Share

Chapter Two

Author: mis_arnie
last update publish date: 2020-08-07 20:14:12

Chapter Two 

"Hanggang kelan ka magtratrabaho dyan sa boss mong mukhang hudlum?" Sabi ni Cara, kasalukuyan siyang nag-aayos para pumasok sa trabaho. Naka office attire siya dahil hindi pwedeng pumasok sa office na mukhang gusgusin. 

"Hanggang sa magsawa na si Sir sa mukha ko!" Balewalang sagot niya."And girl, hindi naman mukhang hudlum yung boss ko! Sadyang ganoon lang talaga ang trip niya sa buhay at wag kang mapanghusga at laitera sa pangit!" Aniya saka inilagay sa bag ang mga make-up niya. Ready na siyang pumasok. 

"Mayaman naman siya pero bakit parang wala silang salamin sa bahay nila? Pag ba pangit hindi na tumitingin sa salamin?"

"Well, siguro nagsawa na ding tumingin dahil wala naman nababago---ganoon talaga girl

kapag tanggap mo na sa sarili mo na pangit ka at wala ng himala na darating---unless magpaparetoke siya afford na afford naman niya!"

Sa araw-araw na ginawa ng diyos naging libangan na nila ang ganoong topic. Palibhasa kung anong trip ng isa ay ganoon din ang isa kaya nagkakasundo sila sa mga bagay-bagay. 

"Alis na ako, baka nandoon na ang boss ko nakakahiya naman diba!" Aniya na sinulyapan pa ang relo. Napangiwi pa siya ng makitang alas 8 na. 7:30 ang bukas ng opisina at alas 8 dumarating ang boss niya. As usual late nanaman siya. 

Dumating nga siya ng alas 9 na. Inabutan pa ng lintik na traffic. Pero taas noo pa rin siyang pumasok. Kakamot-kamot pa ang guard ng pagbuksan siya ng pinto.

"High five!" Nakangisi niyang sabi sa manong guard. Nakipag apir naman ito.

"Ikaw talaga Ineng, lagi na lang late! Naaawa na ako doon sa boss mo!" 

"Naku manong, maaga pa naman ako noh! Tsaka love ako ng boss ko! Sige pasok na ako!" Aniya na pakendeng kendeng pa ang lakad. Daig pa niya ang boss na on time kung pumasok.

Sumakay siya ng elevator. Sa ika-28 floor ang office ng boss niya. Ngiting-ngiti siya ng bumukas ang pinto ng elevator. 

"Good morning boss!" Automatic na sumama ang tingin nito sa kanya na ikinatawa niya.

May hawak ng tasa ng kape ang boss niya. Masama ang tingin sa kanya ng lalaki na ikinangisi niya.

"Gusto mong ipagtimpla kita ng kape?" Sarcastic na tanong nito sa kanya. Saka siya nilampasan at waring nagdadabog na inilapag ang tasa ng kape sa mesa nito. 

"Pwede ba boss?" Aniya na bahagyang na tawa ng makitang pulang-pula na ang mukha nito----ay mali pulang-pula na pala ang pimples nito na tinubuan ng mukha. 

"Gaga ka, kelan mo ba ako planong hanapan ng secretary!"

"Boss naman, alam mong mahirap humanap ng trabaho ngayon!"

"Punyemas kang babae ka, ako ang boss pero ako ang nagbubukas ng office, naglalampaso ng sahig, nagtitimpla ng kape at pati schedule ako pa ang nagbabasa!" Himutok nito sa kanya. 

"Wow boss----you're soooo masipag! That's the quality of a good boss! Approve! Good job"

"Gaga, kung di lang malaki ang utang na loob ko sayong tinamaan ng magaling never akong magtitiyaga dito!"

"Magreresign ka na boss?" Kunwari'y gulat na gulat na tanong niya. Humakbang at humigop sa kapeng tinimpla nito. "Boss wag naman!"

"Kung di lang talaga malaki ang utang na loob ko sayo---iniwan na kita!"

"Petra----"

"Peter! Peter--- gaga ka talaga masasabunutan na kita dahil dyan sa bunganga mo!" Gigil na gigil na sabi nito. Pero waring kinakalma pa ang sarili. 

"Fine Peter Jade, wag ka ng mag-inarte dyan. Love mo naman ako kaya magtiis ka!" 

"Mababaliw na ata ako!" Ani ni Peter Jade na iniyukyok ang ulo sa mesa nito na ikinatawa ni Belle. Naupo siya sa pwesto at binuksan ang computer. 

Honestly this entire company, pag-aari niya ito. Being Belinda Ligaya Madriaga is hard. Kilala ang angkan niya dahil sa dami ng negosyo na meron sila. Pero gusto niyang bumuo ng pangalan siya mismo ang naghirap. At ang company na ito ang resulta ng pagsisikap niya. 

Ayaw niyang makontrol ng pamilya. Gusto niyang gawin ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya ng walang matang nanghuhusga at mga komentong makakapagpababa ng self-esteem niya. Gusto niyang maging malaya, maging masaya. But unfortunately, Hindi niya iyon madama sa poder ng kanyang pamilya. 

Gusto niyang maging matagumpay hindi lang dahil sa apelyedo niya at dahil anak siya ng magulang niya. Gusto niya yung pinaghirapan dugo, pawis, luha isama pa ang sipon at laway at alam nya sa sariling pinaghirapan niya  at pinagpaguran ang lahat. 

Vote, Follow and leave some comments guys ❤️❤️❤️

mis_arnie

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Crazy Seducer   Chapter Two

    Chapter Two"Hanggang kelan ka magtratrabaho dyan sa boss mong mukhang hudlum?" Sabi ni Cara, kasalukuyan siyang nag-aayos para pumasok sa trabaho. Naka office attire siya dahil hindi pwedeng pumasok sa office na mukhang gusgusin."Hanggang sa magsawa na si Sir sa mukha ko!" Balewalang sagot niya."And girl, hindi naman mukhang hudlum yung boss ko! Sadyang ganoon lang talaga ang trip niya sa buhay at wag kang mapanghusga at laitera sa pangit!" Aniya saka inilagay sa bag ang mga make-up niya. Ready na siyang pumasok."Mayaman naman siya pero bakit parang wala silang salamin sa bahay nila? Pag ba pangit hindi na tumitingin sa salamin?""Well, siguro nagsawa na ding tumingin dahil wala naman nababago---ganoon talaga girlkapag tan

  • The Billionaire's Crazy Seducer   Chapter One

    Chapter One“Manloloko syang hayop sya!” Inis na bumangon si Belle at masamang tinignan ang kanyang kaibigan na umaatungal ng iyak. Sabog sabog ang buhok nito at nagkalat ang make up nito. Cara, her friend look stupid while crying because of her dickhead boyfriend.“What’s new? Diba girl alam mo ng dati pa na manloloko talaga siya? Ikaw lang naman itong nagmamaang-maangan at umaasang magbabago pa ang gagong yun!”“Mahal ko kasi siya” Ani nito na mas lumakas ang pag-iyak.“Gaga ka” Hinila niya ng bahagya ang buhok nito sabay pitik sa noo.“You know what? Gustong gusto kitang sampalin, always asking for advice, crying

  • The Billionaire's Crazy Seducer   Sypnosis

    Naglayas si Belle ng malamang ipinagkasundo siya kay Paris Kiefer El Frid. Ang lalaking binansagan nila ng kaibigan si Cara na Mr. Stalker.Dahil sa ginawa niyang pagtalikod sa responsibility walang nagawa ang kuya niya kundi akuin ang tinakasan niyang kasal. Mabilis na naka hanap ng babaeng pwedeng makapareha nito. Pero ng malaman niyang buntis ang kasintahan nito at tunay na mahal na bago ang lahat.Nangako siya sa kapatid na gagawin ang naudlot na kasal sa pagitan nila ni Paris. Ang kaso ayaw na ng binata. Choosy ang gago.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status