Share

Chapter 2

last update publish date: 2020-09-28 21:34:17

Maaga akong gumising para makasabay kay Kuya papuntang campus. Naligo agad ako at nag bihis. Kinuha ko na din ang bag ko lalo na ang mask ko. Pero syempre bagong mask na naman kaso lahat naman pare-parehas ng kulay. Black. Bumaba na agad ako ng hagdan at tinignan kung anong luto ni mama.

"Oh, anak. Asan na ang Kuya mo?" tanong ni mama sa akin.

Sasagot na sana ako ng may biglang sumabat sa usapan namin ni mama.

"I'm here, mom." nakangiting sabi ni Kuya.

"Oh, sige. Kumain na kayo." sabi ni mama sa amin.

"Sorry, mom. Pero male-late na kami sa first class namin this morning if kakain pa kami dito. We'll bring nalang sandwich." sabi ni Kuya.

Napalingon ako sa relo ko, pagsabi ni Kuya nun. Hala! Oo nga pala. Agad agad kong kinuha ang bag ko at syempre nilagay ko na ang mask ko sa mukha ko. I didn't get sandwich na. Busog pa naman din ako eh. Dali dali akong naglakad papasok sa kotse ni Kuya. 

Palabas na ako ng kotse ni Kuya ng bigla siyang umakbay sa akin at ginulo gulo ang buhok ko. Balak pa ata niyang tanggalin yung mask ko eh. 

"Oh, ba't ka sasama sa akin? Kabilang building ka diba? Ahhhhhh, alam ko na! Gusto mong makita yung transferees na sinasabi ni Ate Aubrey noh? Yieeee! Selos ang kuya kong torpe!" sabi ko kay Kuya ng tumatawa.

"A-anong sabi mo!?" inis na sabi ni Kuya sa akin.

Hindi na ako nagsalita at mabilis na naglakad papunta sa room namin. Pagbukas ko ng pintuan ay parang may kakaiba. Ang tahimik ata nila ah. Tinignan ko yung mga transferees at ang laki ng ngiti nila. Anyareeeee? Ba't di ako updated.

Pag upo ko sa upuan ko ay parang may kakaiba. Ba't umaalog? Tatayo na sana ako nang bigla akong bumagsak sa semento. Ang sakit! At ganun nalang kalakas ang tawanan nila. Kesa naman ibaling ko sa may gawa nito ang buong araw kong paghahanap sa kanya ay iisipin ko nalang na ganun na talaga ang upuan ko. 

Now, paano ba? Lalabas na sana ako sa room namin ng biglang sumigaw si Yam.

"Brit! Get my chair na, I'll get mine nalang." nakangiting sabi niya.

Ang bait talaga ng bestfriend ko! 

"Sige, thank you Yam." nakangiting sabi ko nang mailagay na niya ang upuan niya sa space ko.

Ang tagal naman ng oras. Lunch time na ngayon at kakabili ko lang ng pagkain sa cafeteria. Kumakain ako minsan sa library o kaya sa lumang dance room ng campus. Sanay naman na ako eh. Ayaw ko lang talaga kapag may nakakakita sa akin. I dont have enough confidence to face everyone without this mask. Sa totoo lang, wala naman talaga akong pimples or something sa face eh. Insecure lang talaga ako or maybe traumatized kasi nung bata pa ako lagi akong sinasabihan ng pangit. Halos wala nga akong kalaro nung bata pa ako eh. Kaya siguro ganito nalang ako ka insecure sa sarili ko. Papasok na ako sa library nang makasalubong ko si Yam. 

"Hi Brit! Kakain ka na? Halika sabay tayo." nakangiting sabi niya.

"Sige, per~" hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"Pwede pero pwede ba for now doon tayo sa cafeteria kumain? Don't be too insecure of yourself Brit. You're pretty, it's just that hindi mo lang yun nakikita." sabi niya.

Kaya ko na ba? Kakayanin. Kahit ngayong araw lang. I'm still hesitant pero tumango ako sa kanya at sabay kaming naglakad papunta sa cafeteria. Pinagtitinginan ako ng mga tao nung umupo na kami ni Yam sa may table. Nakita ko din si Kuya sa may di kalayuan, parang di maipinta yung mukha niya. Nginitian ko lang siya bilang sign na ok lang ako pero nilapitan niya pa din ako.

"Brit, anong ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni Kuya.

"Kuya, tama na siguro yung pagtatago ko sa likod ng mask na 'to. Tama nga si Yam na I'm too insecure for myself. After all these years sawa na din ako Kuya eh. Mas mabuti nan siguro yung ganito." nakangiting sabi ko kay Kuya.

"You know what Brit? I trust you kaya kahit anong desisyon mo I'll support you" nakangiting sabi ni Kuya habang ginugulo ang buhok ko.

Doon ko lang napansin na lahat ng estudyante nakatingin sa amin. Hindi naman din kasi ako nerd eh. Maraming nakakakilala sa akin dito sa school as the President of the whole campus at kilala din ako dahil nabibilang ako sa isang mayamang pamilya. I let out a heavy sigh at tinanggal ang mask ko. Nginitian ko si Kuya at si Yam pagtanggal ko sa mask at nginitian din nila ako. Ginulo ni Kuya ang buhok ko bago siya umalis at pumunta na sa table nila.

Nagsimula na din kaming kumain ni Yam. Lumingon ako sa paligid at halos lahat sila nakatingin parin sa amin kaya medyo naiilang akong kumain pero tinapos ko pa din yung pagkain ko. Palabas na kami ng cafeteria ni Yam nang may bumunggo sa akin mula sa likuran. Madadapa na sana ako kung hindi lang ako hinawakan ni Yam. Hindi ko nalang tinignan mula sa likuran kung sino yun pero sigurado akong babae yun.

Pagpasok namin sa classroom ang iba ay nagulat nang makita akong walang mask. Ang iba naman ay parang galit pero hindi ko nalang sila pinansin dahil dumating na ang professor namin.

"Good Morning everyone. Yesterday, the transferees didn't have enough time to introduce theirselves kaya ngayon nila to gagawin. Could I ask all of the transferees to come here in front and introduce yourselves." sabi niya.

Tumayo din naman agad ang transferees at pumunta sa harapan.

"Hi everyone, my name is Eunice Lazarro" 

"I'm Reign Ortega"

"I'm Mark Yves Stanler"

"I'm Vince Arch Farron"

"I'm Annika Violan"

"I'm poging Khiyo Lance Farron"

"Tss. I'm Aizek Vaugh Mintry"

"Nice names. Ok, so I think that's it. You'll have my subject as free time beacause I have to do some paper works."sabi ng professor namin.

Bumalik na sa upuan nila ang mga transferees at katabi ko nga pala ang isa sa kanila kaya medyo nahihiya pa din ako. Hindi na din pala ako naka mask.

"Alam mo maganda ka sana kaso hindi mo nakikita. Sabi ng mga students dito na ngayon ka lang daw nila nakita nang walang mask. Why?" tanong ni Khiyo.

"Hindi ko din alam eh, I'm insecure? I'm not confident enough?" patanong kong sabi.

Nginitian niya lang ako at tinanguan. Nagulat ako sa sarili ko dahil natignan ko siya ng mata sa mata at nakausap ng parang kilalang kilala ko siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Campus Transferees   Chapter 3

    Nasa locker ako nang may biglang humawak sa pulsuhan ko pero alam kong galing siya sa likod ko , iniharap niya ako sa kanya ako sa kanya at sinubukan kong alisin yung kamay niya sa pulsuhan ko pero hindi ko kaya. Ang lakas niya."A-aray! Ano ba! Bitawan mo nga ako!" mangiyak ngiyak na sigaw ko.Dalawa silang nasa harap ko. Sila lang, wala na akong nakikitang ibang estudyante dito."Wag kanang pumalag Miss President." sabi niya sa akin.Akma niya akong hahalikan nang nakita ko yung isang transferee sa gilid. Siya si Aizek. Nagulat ako nang biglang bumulagta sa sahig yung lalaking may hawak sa pulsuhan ko at nakarinig ako ng lalaking tumatakbo paalis. Nakita ko si Khiyo pag angat ko ng tingin sa lalaking bumulagta."Ayos ka lang ba? Ano may masakit ba sayo?" tanong niya sa akin."A-ayos lang naman ako." sabi ko sa kanya.

  • The Campus Transferees   Chapter 2

    Maaga akong gumising para makasabay kay Kuya papuntang campus. Naligo agad ako at nag bihis. Kinuha ko na din ang bag ko lalo na ang mask ko. Pero syempre bagong mask na naman kaso lahat naman pare-parehas ng kulay. Black. Bumaba na agad ako ng hagdan at tinignan kung anong luto ni mama."Oh, anak. Asan na ang Kuya mo?" tanong ni mama sa akin.Sasagot na sana ako ng may biglang sumabat sa usapan namin ni mama."I'm here, mom." nakangiting sabi ni Kuya."Oh, sige. Kumain na kayo." sabi ni mama sa amin."Sorry, mom. Pero male-late na kami sa first class namin this morning if kakain pa kami dito. We'll bring nalang sandwich." sabi ni Kuya.Napalingon ako sa relo ko, pagsabi ni Kuya nun. Hala! Oo nga pala. Agad agad kong kinuha ang bag ko at syempre nilagay ko na ang mask ko sa mukha ko. I didn't get sandwich na. Busog pa naman din ako eh. Dali dali akong naglakad papasok sa

  • The Campus Transferees   Chapter 1

    "Brittany! Brittany! Brittanyyyyy! pinapatawag ka daw ng Dean!" sigaw ni? Sino ba toh? Basta sigaw niya.Ang OA naman ni Ate. Para bang heartthrob ang Dean namin na ang tanda na nun. De joke, tito ko kaya yun."Uhm, asan ang Dean?" tanong ko sa babaeng sumigaw nun kanina."Try mo kaya hanapin ang Dean sa CR? Malamang nasa Dean's Office yun!" galit na sabi niya.Ok . Ok. Ang bobo ko din sa part na yun.Wala akong nagawa kundi pumunta sa Dean's Office. And as usual pinagtitinginan ako ng mga tao. Hayst ba't ba kasi ang pangi~"Hi Miss Beautiful!" sabi ng isang lalaki pagpasok ko sa Dean's Office.Ay. Hala. Nasa Dean's Office na pala ako.Tinignan ko lang yung lalaking nagsabi nun at parang ang saya niya ah. Miss Beautiful? Saan banda? Pero ang cheesy, timing pa talaga nung sasabihin ng utak ko na ang pangit ko."Uhm D

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status