LOGINA novel written by Ayesha Sky
Dahil nga excused ako sa klase namin ay hindi na ako umakyat pa sa classroom namin kapag natatapos akong kumanta, hindi ko na rin kailangang umakyat pa para kuhamin ang dala kong bag dahil kinuha ko na ito bago pa 'man din ako bumaba.
Nakakadalawang practise na ako ngayon kaya medyo nagugutom ako kaya naman nag punta ako sa canteen ng school para bumili ng snacks at maiinom, medyo tahimik sa daan papuntang canteen dahil katatapos lang ng mga estudyanteng mag-lunch kaya lahat sila ay nakikinig na ngayon sa lecture ng mga teachers nila.
Habang nag-lalakad nakarinig ako ako ng mga yapak ng pag-takbo mula sa aking likuran, nagulat ako ng si harrison ang aking nakita at tahimik pa siyang sumabay saakin papuntang canteen. Katulad dati ay hindi pa rin siya nag sasalita at lumilingon manlang, basta ay sumabay lang siya saakin papasok ng canteen at pati na rin sa pag-bili.
"Ate yun nga po tapos isang choco, yung sukli fres nalang ate." Tinuro ko pang ang paborito kong snack na pillows at ang paborito ko ring inumin na choco, bumili rin ako ng candy dahil nga kakanta ako ay kailangan ko ng candy para medyo smooth sa pag-kanta.
Umalis na ako sa pila at si harrison naman ang sumunod, hindi ko na siya hinintay pa sa pag-bili dahil iniisip ko na baka sabihin niya ay masyado akong feelingera kaya lumabas na ako sa canteen kaysa sa hintayin siya. Pumunta ulit ako sa pwesto kung saan ko nakatabi si harrison tsaka ko kinain ang aking binili, maya-maya ay dumating na si harrison dala-dala ang dalawang tubig na kanyang binili sa canteen at tsaka siya naupo sa tabi ko.
"Akin 'to?" Nandilat ang mga mata ko ng makitang iniabot niya saakin ang isang tubig na nabili niya pero nakakainis dahil hindi manlang siya lumingon o nag salita kahit na binigyan niya ako ng tubig, tanging pag-tango ang kanyang naging tugon sa aking tanong.
"Hindi ka dapat umiinom ng choco kapag kakanta ka, pipiyok ka sige." Sinabi niya saakin tsaka niya kinuha ang choco na binili ko at inilagay ito sa bag ko na katabi lang niya, tama naman ang sinabi niya. Masyado kasing matamis ang choco kaya medyo maapektuhan nito ang pag-kanta ko, ngayon ko lang nalaman hahaha!
"Oo na, hindi ko naman alam eh." Sagot ko sakanya habang ininom na ang tubig na ibinigay niya.
"Ngayon alam mo na." Sinabi niya naman saakin habang bigla siyang lumingon kaya muntik ko ng maibuga ang iniinom na tubig dahil para akong binaril ng kapogian niyang taglang Mwehehehe!
"Oo nga pala, bakit nandito ka? Diba may klase kayo?" Tanong ko sakanyang ng ma-realize na ilang oras na siyang nandito kasama ko kahit hindi naman siya kakanta.
"Ayoko sa corridor manood ng performance mo, kaya nandito ako." Ayan nanaman ako pa k-drama effects ng aking buhay, kinikilig ako na parang hindi ko mawari. Gwapo na nga siya pati ba naman ang kanyang pag-sasalita ay gwapo rin!
Natapos ang mahaba-habang practise matapos ang ilang oras, kaya naman ng sabihing uwian na ay agad kong sinukbit ang bag sa aking likod at binuhat ang bag na mayroong mabibigat na libro. Hindi muna ako umalis para hintayin sila loryanne dahil paniguradong cleaners sila ngayon.
Nakakagulat na ilang minuto lang ay agad silang nakababa mula sa classroom, sa pag kakaalam ko ay cleaners sila every wednesday.
"Oy, Bakit ang aga niyo? Cleaners kayo diba?" tanong ko Sakata habang si nicolei ay niyakap ako habang nakalambitin naman si Erica sa likod ko.
"Friday na tayong lima lahat nag lilinis, reschedule daw sabi ni ma'am kallea." Pagbibiro niya pa at diniin niya ang salitang ma'am kallea kaya nagsi-tawanan kami habang sabay sabay na naglalakad.
"Si kallea nanaman? Hahaha! Hayaan mo na yun, at least sabay sabay na tayong cleaners edi sabay sabay din tayong uuwi!" sinabi ko sakanya dahil parang inis na inis siya dahil nagpapasin at naging bossy nanaman si kallea na mismong kinakaayawan ng mga tao sa school.
Napaka sungit niyang babae, mapanakit at padalos-dalos mag-salita kahit na alam niyang makakasakit siya ng ibang tao, mukha na siyang presidente dahil halos kontrolin niya ang buong school sa sobrang pagiging bossy niya. Maganda naman siya eh kaso magaspang ang ugali niya sa mga tao, at ang pinaka nakakainis ay kapag nagagalit siya kahit na siya naman ang palaging may kasalanan.
Pero dahil ayaw nga namin ng away ay minsan hindi nalang namin pinapansin kasi diba sabi nga nila the more na pinapansin ay the more na mag papapansin, kaya minsan kung aawayin niya kami ay dedma lang para mukha siyang binalewala.
Palabas na sana kami kaso ay nakasalubong nanaman namin ang grupo ni kallea na may naghalong babae at lalaki naka-pamewang pa siya na parang willing talagang makipag-away pero syempre may respeto ako sa sarili ko kaya nilagpasan ko lang siya habang siya naman ay hindi makapaniwala sa aming ginawa.
"Loryanne, may problema ka ba sa pag-reschedule ko?" Biglang hila ni kallea kay loryanne habang nag lalakad na sana kami palabas ng gate.
"Maiinis ba ako kung wala." May galit na tinanggal ni loryanne ang kanyang kamay sa pag-kakakapit ni kallea sa kanya at halata na galit na siya sa oras na ito, ayaw niya kasi na hinihila siya ng biglaan at lalo na't hindi sila close ni kallea at kinaiinisan niya rin ito kaya wala akong magawa kung hindi ang akbayan siya at hilahin na siya palabas upang maiwasan ang away.
"Naiinis ka pala eh, bakit hindi mo sinabi? Ay! Oonga pala, takot ka sakin." With confidence na sinabi ni kallea, katulad ng sinabi ko ay feeling presidente na talaga siya ng buong school dahil feeling niya niya makokontrol niya yung mga studyante, well wag kami hahaha!
"Oo nga eh nakakatakot ka, para kang isang halimaw na nangangain ng tao para gawin silang cosmetics dahil sa kapal ng lipstick sa nguso mo at sa kapal nang blush on na sing kapal ng mukha mo, kaya lumayas ka sa dinadaanan ko kung ayaw mong pamagain ko yang pingi mo ng tuluyan, layas!" Itinulak patabi ni loryanne si kallea na ikinagulat namin, halatang kaunti na lang ay mapapatulan na ni loryanne si kallea ngunit nag titimpi lamang siya.
"Wow, edi need pala ni Elizabella maging halimaw para gumanda siya? Grabe bhe support kita." Bigla akong nadamay at tinapik tapik talaga ako ni kallea na kunwaring support.
"Tumigil ka na nga, akala mo kinaganda mo yun eh bahala nga kayo diyan. Tara na." Gulat ako ng biglang hinampas ni harrison ang kamay ni kallea dahilan upang matanggal ito sa pag-kakahawak saakin at matahimik siya nang bumaling siya saakin ay agad niya akong hinila habang nakahawak siya sa bag ko palabas ng gate sa school kasama sila loryanne.
May heart is dugdugdugdug ohmydug!
~
Follow me on my Social Media Accounts!
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky
Thank you for reading! I love you!♡
A story written by Ayesha Sky"Ano Elizabella? Ready ka na ba? Nandito na tayo." maaga akong pumasok dahil ngayon ay lunes na at ngayon ang performance ko para sa 1st week ng mga students sa school.Nakasalubong ko si loryanne, Erica, marysam at Nicolei na nag-lalakad sa kanto na papasok sa school kaya hinintay na nila ako at sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng school. Naka-make up pa ako na hindi ko pang-karaniwang ginagawa sa sarili ko, kasama ang asul na dress at pink na sandals.Hindi ako marunong pumorma kaya naman kinuha ko nalang sa aparador ko ang kung anong maganda ang pwede kong magamit, hindi rin ako masyadong bumibili ng damit dahil hindi naman ako gumagala at puro school uniform lang ang suot dahil after school ay bahay agad ako, kaya ang asul na dress na lamang ang sinuot ko.Si nanay naman ay pina-ayusan ako sa malapit niyang kaibigan na si nilo dahil nais ni
A story written by Ayesha SkyAuthor's note!Pasensiya na at puro flashback! Balik normal tayo!~ELIZABELLA'S POV"Elizabella apo, gumising ka na mag a-alas siete na. Nandito na ang iyong kaibigan na clynton ang pangalan." Nagising ako sa malakas na pag-ugoy sa akin ni lola habang masarap ang tulog ko, at hindi ko namalayang malapit na nga talagang mag alas siete."H-ha? Teka lola!"
A story written by Ayesha SkyKatulad ng ginagawa ko tuwing umaga ay bumangon na ako mula sa pag-kakahiga at tsaka ako naligo hindi ako makapag-hintay na sabihin kay Clayton na kakilala ko pala siya at matagal ko na siyang nakilala noong grade 8 pa lang ako.Nagkakilala kami sa library at simula nun ay siya na ang pinaka magulong tao na nakilala ko sa buong buhay ko.Kilala rin pala siya ni loryanne pero hindi lang talaga namin natandaaan. Nagkakilala kami noong grade 8 ako noong bagong lipat pa lamang ako.FLASHBACKBuong araw ko ang nasira nang makasama ko kanina ang lalaking yun, sobrang harot at kulit niya. Sunod siya nang sunod saakin kahit hindi pa kami masyadong close sa isa't isa.Bagong lipat kasi ako dito sa school, isa akong grade 8 student habang siya naman ay siguro grade 12. Pinalipat ako nang lola ko sa ibang school dahil lumipat kami nan
A story written by Ayesha SkyCLYNTON CALIX'S POVFLASHBACKNagulat ako dahil sobrang aga dumating ni mommy, madalas kasi ay madaling araw na siyang nakakauwi siya kasi ang secretary sa company kaya minsan ay bagsak sakanya ang gawain sa opisina.Binigyan niya ang nang matamis na halik sa noo at tsaka inilagay ang kanyang bag sa mesa, may uwi siyang pagkain at sa tingin ko ay yun ang kakainin namin ngayong araw. Hindi na rin kasi siya nakakapag luto araw-araw dahil nga busy siya sa work at wala na ngang time mag luto, kaya laging pera ang baon ko para sa school. kung makakapag luto man siya ay ibig sabihin may importanteng araw like birthdays, new year or Christmas.
A story written by Ayesha SkyCLAYTON CALIX'S POVFLASHBACKNakauwi na ako sa bahay at para bang sobrang tahimik nakakalungkot tuloy sa loob lalo na't mag-isa lang ako sa bahay, araw-araw kasi ay nasa trabaho sina mommy at daddy kaya naman araw-araw din akong malaya mula sa mga paulit-ulit na sermon.Wala ring maingay na nag bubunganga tuwing sisikat ang araw, makakaalis at makakagala ako nang walang umaabala saakin. Pero iba pa rin pala ang may kasamang magulang o hindi kaya kapatid no? Masaya at kumpleto ang araw ko kapag kasama ko sila mommy at daddy, kahit saglit na bonding lang ay nakakaluwag na nang loob.Minsan kasi ay wala na silang time makauwi or hindi kaya ay makipag bonding saakin, busy sila sa work as in busy. Kaya naman nang makilala ko si ka pedring ay may lagi na akong nakakausap kahit uwian lang
A story written by Ayesha SkyPAALALA! ANG MGA MANGYAYARING FLASHBACKS SA POV NI CLAYTON AY ANG UNANG PAG-KIKITA NILA NI ELIZABELLA NOONG GRADE 8 PA LAMANG SIYA!CLAYTON CALIX POVFLASHBACKMedyo ma-araw sa labas kaya naman wala masyadong tao, kahit ang mga dating tumatambay na students dito ay wala rin. Ang lahat ay naka payong at bibihira ang nag lalakad sa labas dahil kung lalabas ka ay baka maging pritong manok ka.Kahit ang mga students na dapat ay uuwi na ay hindi makauwi dahil sa mainit na tirik nang araw, kapansin-pansin naman na may mga babaeng nag aabang nang kanilang mga nobyo sa harap nang school kung saan may malaking puno na pwede mong silungan.