LOGINA novel written by Ayesha Sky
Malaki ang ngiti ko ng makauwi sa bahay at sinalubong ko ng matamis na halik at yakap ang aking lola, basta ay masaya lang ako sa nangyari ngayong araw at para bang ngayon lang ako naging excited sa pag-pasok ko sa school na kakauwi ko pa lang ay gusto ko ng pumunta at mag klase sa school para makita si harrison.
"Kain na eli, may bagong sinaing at may ulam na diyan. Aalis lang ako ha, sabihin mo sa tito richard mo na kung manghihingi ng pera ay nanduon kamo sa bag kong brown ang pera, wag kamong mangutang sayo." Pag-kadating na pag-kadating ay naabutan kong aalis na si nanay habang isinusuot pa ang kanyang helmet at hihiramin ang motor ni tito richard, sigurado akong may dala siyang masasarap na pag-kain pag dating niya.
"Sige nanay, ingat." Nag paalam ako sakanya at tsaka ako kumain ng kain at ang ulam na aking paborito na sinigang.
Binili lang ni nanay sa mga lutong ulam itong sinigang dahil hindi siya gaanong nag luluto, kapag nag luluto kasi siya ay nagagalit si lolo kapag hindi masarap at nauuwi ito sa isang malalang sakitan.
Matapos kumain ay umakyat na agad ako sa aking kwarto upang mag-cellphone hanggang gabi since yun kang naman ang ginagawa ko gabi gabi.
Nakita ko ang isang notification mula sa facebook kaya tinignan ko 'to kaagad at nakita ko ang dalawang friend request.
Victor Harrison Ryles and Klayton Calix Lee sent you a friend request.
"Waaahh!" Napatili ako habang hinahalikan ko ang cellphone ng makita ang friend request ni Harrison, pero si klayton ay hindi ko kilala pero nag-aaral kami sa same school kaya siguro ay kilala niya ako kaya in-accept ko sila parehas.
Gusto kong i-chat si harrison kaso napangungunahan ako ng kaba at takot, napaka dami kong what if sa isip ko. Like what if kung pag-kamalan niya akong feelingera like kallea? What if isipin niya stalker ako?
Hindi na ako nag send ng message sakanya kasi nga natatakot ako hanggang sa maya-maya ay inantok na ako at dahan-dahan kong isinara ang aking mga mata.
K♡I♡N♡A♡B♡U♡K♡A♡S♡A♡N
Umuwi akong masaya at kumpleto ang araw kahapon, ngayon naman ay nagising ako na kahit wala pa akong ginagawa ay kumpleto kaagad ang buong araw ko. Sinalubong ko muli ng halik ang noo ni nanay at dumiretso sa banyo para maligo, pag labas ko sa banyo ay nakangiti pa rin ako at kahit nag bibihis na ng uniform pamasok.
Nang matapos sa pag hahanda para pumasok ay lumabas na ako upang hintayin si tito richard, siya ang nag hahatid saakin patungo ng school at minsan siya na rin ang sumusundo saakin. Minsan kasi ay buong araw siya sa trabaho kaya hatid lang ang nagagawa niya saakin, pero kapag maaga siya nakakauwi ay nasusundo niya ako sa school.
Nang makarating na sa school ay agad akong dumiretso sa tindahan kung saan kami nag-hihintayan nila nicolei kasabay sila erica, marysam at si loryanne. Magkakasama lang kasi sila at mag kakalapit ng bahay kaya nag kikita-kita sila at tsaka sila papasok sa paaralan.
Maya-maya ay dumating na sila at nag kukunwari pang mga model habang papalapit saakin nag pose pa at naka-fierce pa sila kahit alam nilang nasa gitna sila ng kalye at maraming dumadaan.
"I am loryanne, but call me baby 'cause you're my daddy." Nag-pose siya muli at naka-fierce pa ang aura.
"I am Erica, but call me sour candy 'cause I'm sweet and I'm salty." Sabi naman ni Erica habang may pa dila at kindat pang makasalanan, sabay ng pag talikod niya upang paluin ang pwet niya.
"I am Marysam, but call me pepper 'cause I'm spicy." Nag pa-flying kiss pa siya.
"hoy! nasa gitna kayo ng daan!"
"Nasa gitna ka rin naman pero hindi ka namin sinigawan." Biglang palit ng mood ni loryanne habang ngayon ay nakapamewang siya at naka-taas kilay pa sa sumita sakanya.
Hinila ko na sila dahil baka mapaaway nanaman kami dahil sa sobrang moody ni loryanne, ewan ko kung may sira ba utak niya or baka nababaliw na talaga. Madalas siyang nag-papalit ng mood kahit kanino, happy to sad, angry to nice, at ang pinaka-nakakatakot na ginawa niya ay yung magagalit siya tapos biglang tatawa.
Kaya minsan kapag sabay-sabay kaming umuuwi ay napapag-kamalan siyang baliw kasi tawa siya nang tawa kahit wala namang nakakatawa, pero kahit na ganun ang kanyang ugali ay napaka sarap niyang kasama.
Pagka-pasok namin sa loob ng school ay sakto na mag-sisimula na ang flag ceremony kaya naman dahil medyo nahuli kami ay lahat kami nasa dulo nakaupo dahil everyday ay may mga estudyanteng nag peperform ng leadership na umaabot nang isang oras kaya kailangan naming maupo.
"May practise ka ulit mamayang 9 AM manonood ako, galingan mo." Bigla nanamang sulpot ni harrison sa tabi ko habang nakakapanibago ang porma niya ngayon.
"Oo naman, ikaw pa." Bulong ko habang tinititigan ang suot niyang complete uniform at ang nakaka-halina ng mata ay ang buhok niyang nakaangat.
"Ano?" Pag liliwanag pa niya saakin at lumapit pa ng sobrang lapit saakin kaya medyo nandilat ang mata ko sa sobrang kilig, palihim akong ngumiti habang sila loryanne naman ay kung ano-ano ang pinag-uusapan na alam kong tungkol sa pag-tatabi namin ni harrison.
"Wala sabi ko syempre gagalingan ko." Pagliliwanag ko sakanya, at tsaka siya nginitian.
Maya-maya ay natapos na ang leadership ng mga grade 5 students kaya naman pinatayo na ni sir rico ang mga nakaupo at pina-akyat na sa mga kanya-kanyang classrooms, at maya-maya ay dumating na si Ma'am roshian para mag-discuss ng kaunti tungkol sa ESP.
Si ma'am roshian ay isa sa mga kilala kong mabait na teacher sa school, para siyang isang madre sa sobrang bait niya sa nga estudyante. She always talks about her life experiences and she keeps on inspiring students to fight kahit na nay problema na pinag-dadaanan, at isa na ako sa nainspire niya.
Kaya minsan kahit na iniisip ng ibang teachers at students na boring ang subject ni Ma'am roshian ay para saakin para itong bible study na tinuturuan kang baguhin ang sarili mo, tinuturuan niya ang mga studyante na galangin ang iba't ibang relihiyon at mahalin ang isat isa.
"Hello Grade 9 Students, good morning sainyo." Isang masiglang pagbati ni ma'am roshian na parang bumabati sa mga batang elementary student sa aming mga highschool students.
"Good morning ma'am roshian." Pagbati rin namin sakanya at sabay-sabay na tumayo.
"Okay sit down, today ay may napaka ganda tayong topic na marami ang makakarelate. Our topic is all about dreams okay? I want you to write an essay na nag lalaman ng explanation about your dreams, pag-balik ko kailangan tapos na ah." Nag labas kami ng kanya-kanyang inteemidiate paper, pero dahil mahilig manghingin sila nicolei ay saakin nalang sila kumuha.
Nagsimula akong mag-sulat at isinular sa papel ang lahat ng mga bagay na alam kong konektado sa aking mga pangarap, kapag tungkol talaga sa mga talent ang pag-uusapan ay marami akong nasasabi pero kapag math? Pass ako diyan.
Maya-maya ay natapos ko na ang essay na ipinapagawa ni ma'am roshian at saktong-sakto naman na dumating na agad si ma'am roshian upang ipa-basa saamin ang ginawa naming essay sa stage. Kaya nang makapasok si ma'am roshian sa loob ng room ay pinalabas niya kami agad upang bumaba sa basketball court kung nasaan ang stage.
Kinuha niya ang isang garapon na naglalaman ng nga pangalan ng mga estudyante at tsaka siya bubunot upang sabihin ang unang magre-recite.
"Okay magbubunot na po ako ng unang magre-recite ng essay ha?" Bumunot na si ma'am kaya medyo kinabahan ako dahil baka ako ang unang mabunot niyang mag recite kaya naman pinalo palo ko si nicolei sa sobrang kaba.
"Ikaw ang mabubunot promise." Biglang bulong saakin ni loryanne mula sa aking likod.
"Elizabella please akyat na sa stage and recite your essay." bigla tawag ni ma'am roshian saakin kaya napatingin ako kay loryanne dahil dilang anghel talaga siya dahil kahit itong bagkabunot ko sa pag-recite ng essay ay alam niya.
"Sa buhay ay may kanya-kanya tayong mga pangarap. May gustong maging doktor, abogado, inhinyero at marami pang iba. May mga taong matataas at marami ang pangarap sa buhay, at mayroon din namang simple lang ang gusto at ang kailangan. Ngunit sa katulad ko ay pag kanta lang ang tanging laman nang puso ko kahit napaka daming bagay ang pwede kong maging pangarap ay pagiging sikat na mang-aawit ang pinaka pinapangarap ko.
Nakuha ko ang galing at talento sa pag-kanta mula sa aking ina na nag-ngangalang Rhealyn, si mommy ay magaling kumanta katulad ko. Siya ang isa sa naging inspirasyon ko upang mas lumaban at galingan ang aking pag-kanta.
Nang bata pa lamang ay hilig na niya ito at maski buong pamilya nang aking mga magulang ay isa ding magagaling na mangaawit, kaya naman dahil sa aking talento ay niregaluhan ako ng mic ng aking mga magulang.
Marami akong hilig kantahin noong bata pa lamang ako, tulad nang kanta na 'Fire' nang isang sikat k-pop girl group sa korea na tinatawag nilang 2ne1. Iba't-ibang kanta ang hilig ko, may makaluma, may bago, may pop, may kpop, may opm at kung ano-ano pa.
Pati ang aking ama ay may hilig din sa pag kanta, napaka lamig at may pagka-angas ang boses niya at para bang nakikinig ka sa napaka gandang musika pag narinig mo ang kanyang boses. Kaya aking pong ipinag-mamalaki na ako ay may talento sa pag-kanta, yun lamang po."
~
Follow me on my Social Media Accounts!
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky
Thank you for reading! I love you!♡
A story written by Ayesha Sky"Ano Elizabella? Ready ka na ba? Nandito na tayo." maaga akong pumasok dahil ngayon ay lunes na at ngayon ang performance ko para sa 1st week ng mga students sa school.Nakasalubong ko si loryanne, Erica, marysam at Nicolei na nag-lalakad sa kanto na papasok sa school kaya hinintay na nila ako at sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng school. Naka-make up pa ako na hindi ko pang-karaniwang ginagawa sa sarili ko, kasama ang asul na dress at pink na sandals.Hindi ako marunong pumorma kaya naman kinuha ko nalang sa aparador ko ang kung anong maganda ang pwede kong magamit, hindi rin ako masyadong bumibili ng damit dahil hindi naman ako gumagala at puro school uniform lang ang suot dahil after school ay bahay agad ako, kaya ang asul na dress na lamang ang sinuot ko.Si nanay naman ay pina-ayusan ako sa malapit niyang kaibigan na si nilo dahil nais ni
A story written by Ayesha SkyAuthor's note!Pasensiya na at puro flashback! Balik normal tayo!~ELIZABELLA'S POV"Elizabella apo, gumising ka na mag a-alas siete na. Nandito na ang iyong kaibigan na clynton ang pangalan." Nagising ako sa malakas na pag-ugoy sa akin ni lola habang masarap ang tulog ko, at hindi ko namalayang malapit na nga talagang mag alas siete."H-ha? Teka lola!"
A story written by Ayesha SkyKatulad ng ginagawa ko tuwing umaga ay bumangon na ako mula sa pag-kakahiga at tsaka ako naligo hindi ako makapag-hintay na sabihin kay Clayton na kakilala ko pala siya at matagal ko na siyang nakilala noong grade 8 pa lang ako.Nagkakilala kami sa library at simula nun ay siya na ang pinaka magulong tao na nakilala ko sa buong buhay ko.Kilala rin pala siya ni loryanne pero hindi lang talaga namin natandaaan. Nagkakilala kami noong grade 8 ako noong bagong lipat pa lamang ako.FLASHBACKBuong araw ko ang nasira nang makasama ko kanina ang lalaking yun, sobrang harot at kulit niya. Sunod siya nang sunod saakin kahit hindi pa kami masyadong close sa isa't isa.Bagong lipat kasi ako dito sa school, isa akong grade 8 student habang siya naman ay siguro grade 12. Pinalipat ako nang lola ko sa ibang school dahil lumipat kami nan
A story written by Ayesha SkyCLYNTON CALIX'S POVFLASHBACKNagulat ako dahil sobrang aga dumating ni mommy, madalas kasi ay madaling araw na siyang nakakauwi siya kasi ang secretary sa company kaya minsan ay bagsak sakanya ang gawain sa opisina.Binigyan niya ang nang matamis na halik sa noo at tsaka inilagay ang kanyang bag sa mesa, may uwi siyang pagkain at sa tingin ko ay yun ang kakainin namin ngayong araw. Hindi na rin kasi siya nakakapag luto araw-araw dahil nga busy siya sa work at wala na ngang time mag luto, kaya laging pera ang baon ko para sa school. kung makakapag luto man siya ay ibig sabihin may importanteng araw like birthdays, new year or Christmas.
A story written by Ayesha SkyCLAYTON CALIX'S POVFLASHBACKNakauwi na ako sa bahay at para bang sobrang tahimik nakakalungkot tuloy sa loob lalo na't mag-isa lang ako sa bahay, araw-araw kasi ay nasa trabaho sina mommy at daddy kaya naman araw-araw din akong malaya mula sa mga paulit-ulit na sermon.Wala ring maingay na nag bubunganga tuwing sisikat ang araw, makakaalis at makakagala ako nang walang umaabala saakin. Pero iba pa rin pala ang may kasamang magulang o hindi kaya kapatid no? Masaya at kumpleto ang araw ko kapag kasama ko sila mommy at daddy, kahit saglit na bonding lang ay nakakaluwag na nang loob.Minsan kasi ay wala na silang time makauwi or hindi kaya ay makipag bonding saakin, busy sila sa work as in busy. Kaya naman nang makilala ko si ka pedring ay may lagi na akong nakakausap kahit uwian lang
A story written by Ayesha SkyPAALALA! ANG MGA MANGYAYARING FLASHBACKS SA POV NI CLAYTON AY ANG UNANG PAG-KIKITA NILA NI ELIZABELLA NOONG GRADE 8 PA LAMANG SIYA!CLAYTON CALIX POVFLASHBACKMedyo ma-araw sa labas kaya naman wala masyadong tao, kahit ang mga dating tumatambay na students dito ay wala rin. Ang lahat ay naka payong at bibihira ang nag lalakad sa labas dahil kung lalabas ka ay baka maging pritong manok ka.Kahit ang mga students na dapat ay uuwi na ay hindi makauwi dahil sa mainit na tirik nang araw, kapansin-pansin naman na may mga babaeng nag aabang nang kanilang mga nobyo sa harap nang school kung saan may malaking puno na pwede mong silungan.