LOGINLarawan ng isang modernang Eba si Charito. Ang kuwentong pag-ibig ng kanyang ina ang nagsilbi niyang tagapagpaalala upang hindi malihis ng landas sa pagpili ng tamang lalaking makakasama sa buhay.Saksi ang kanyang diary sa dami ng lalaking naging 'prospective fafa' niya. At sa araw-araw niyang paghahanap kay Mr. Perfect ay heto ang paborito niyang linya, 'Looking for the perfect match is like a multiple choice type of test. More choices, more chances.' Pero siyempre ay hindi puwedeng all of the above kaya pinagbubuti niya nang husto ang pagkilatis sa bawat lalaking dumaraan sa paningin niya.Simple lang naman ang mga pamantayan niya sa isang lalaki. Guwapo, maginoo, mabait at pure Pinoy. Pero paano kung ang lalaking magpapatibok ng puso niya ay hindi pumasa sa kanyang mga pamantayan? Gaya ng dati ay magagawa rin ba niyang sentensiyahan ng 'tsugi' ang pangalan ng lalaking iyon?PS Bago basahin ang kuwentong ito, pakiuna muna po ang FIND ME nina Agustin at Europa at BEBEH KO nina Shann at Crisanta. Kung ibig mo namang magbasa ng libro as in physical book, available po ito sa mga Gaisano stores.
View MoreNASAGOT ang kanyang mga tanong nang makita si Mariz na nakangiti nang makahulugan. So, she wanted to play cupid? But never again dahil alam na niya ang totoong score. Kung noong hindi pa nga kasal ay hindi na siya pumayag na maging kahati ni Yvonne, ngayon pa bang kasal na ang mga ito? Biglang sumulak ang galit niya at tumaas ang kanyang temperatura. "Severin?" pagkompirma niya. Nahigit niya ang paghinga habang hinihintay ang sagot ng kausap. "At your service, Amore? It's me—in one piece." "Napatawag ka?" nakataas ang kilay na tanong niya rito.Ilang sandaling hindi ito agad sumagot at nang muling magsalita ay tila may alinlangan na sa tinig nito. "Hindi mo 'ko miss?"'Ang cute mo talaga 'pag nananagalog, buwisit ka.' Iyon sana ang ibig niyang sabihin pero inawat niya ang sarili. "Seve, wala akong panahong m
SEVEN MONTHS LATER..."Charito, ilista mo na ang bilang ng sementong kailangan para sa second floor. Si Bebeh ko na raw ang bahalang magpabili ng mga iyon pero siyempre ay hindi natin hahayaang siya ang magbayad, hindi ba?"Napalingon siya sa kapatid at saka ngumisi rito. Ipinapagawa na kasi nila ang kanilang bahay at katulong nila sa pag-aasikaso ang nobyo nitong si Shann.Natutuwa siya sa dalawa. Nakakaaliw pagmasdan ang mga ito habang naglalambingan. Masaya siya para kay Tat dahil sa wakas ay nakita na rin nito ang tamang lalaking para rito.Sa lahat ng iyon ay nakaalalay lang ang kanilang mamang. Maging nang lumipad pabalik ng Europa si Seve kasama si Yvonne ay dinamayan din siya nito. She was very thankful that she was her mother and Tat was her sister. Dahil marahil kung hindi ang mga ito ang pamilya niya ay mababaliw na siya sa matinding lungkot."Oo naman. Tama 'yan, girl. Nakakahiya naman kay Kuya Shann. K
Ciao ragazzi! Good to see you here! Thank you for following :) Happy reading and God bless!DAMPI ng mainit na sikat ng araw ang humaplos sa kanyang pisngi sanhi upang magising ang diwa niya. Gayonpaman ay hindi muna siya dumilat at nag–inat lang. Nakapikit man ay inabot niya ang Superman stuff toy sa kaliwang bahagi ng higaan subalit sa halip ay pipis na tiyan ni Tat ang nakapa niya. At napangiti siya nang maramdamang matigas ang bahaging iyon ng impis na tiyan ng kapatid. Dala marahil ng mabibigat na gawain sa bahay kaya nagkaroon ng six packs ang ate niya. Dumilat siya upang lokohin ito. "Wow, may six packs ka na, Tat!" Subalit nagimbal siya nang kasabay ng pagbalikwas at paglingon ay natuklasan niyang ibang six packs pala ang hinahaplos niya. "Ano'ng ginagawa mo sa silid ko? Walanghiya ka! Many
DEAR DIARY,Bakit ganoon? Ang sakit–sakit–sakit naman! Ngayon ko lubos na naintindihan kung bakit ganoon si Mamang kay Popsy noon...at si Tat kay Shann nang inakala nitong hindi siya mahal ng Aga Muhlach na 'yon. Ngayon ko naintindihan dahil nangyayari ito ngayon sa akin. Of all people ay bakit naman sa akin pa na sobrang yabang kung magsalita? Tama si Tat. Kakainin ko ang lahat ng mga sinabi ko. Banyaga si Seve para mahal ko siya. Madalas siyang nagsasalita ng kung anu-anong hindi ko maintindihan pero hindi iyon mahalaga sa akin. Ang importante sa akin ay ang maramdamang mahalaga ako sa kanya. Pero bakit ganoon? Do I really need to accept him despite his commitment for Yvonne? Ganoon na ba ako kadesperado? Pero aaminin kong iyon nga ang gusto kong gawin sa mga oras na ito...gusto kong tawagan siya at sabihing payag na akong maging pangala