"HOY Charito, bumangon ka nga diyan at tanghali na!"Bahagya siyang nasilaw sa liwanag ng araw na sumisilip sa manipis nilang kurtina. Nag-inat at muling pumikit. "Tat, ano ba? Napuyat ako kagabi kaya kailangan kong bumawi ng tulog."Naramdaman niya muna ang mahihinang tapik ng kapatid sa kanyang binti bago ito lumapit sa bintanang nasa tapat ng higaan niya. At gaya ng inaasahan, hinawi ni Tat ang kurtinang nakalagay sa bintana saka tuluyang binuksan iyon. Balikwas siya ng bangon dahil sa init na biglang tumama sa kanyang mukha."Ano naman ba kasi ang pinagkaabalahan mo kagabing babae ka? Let me guess. Unli-call ka na naman kagabi at magdamag mong tinawagan ang isang librong directory mo ng mga lalaki?"Nasalo niya ang mukha sa labis na inis habang nakatukod ang mga siko sa nakabaluktot na mga binti."At kung ganoon nga, ano naman ang problema? Dalaga ako at binata sila, and I don't see anything wrong with tha
Last Updated : 2020-10-03 Read more