LOGIN
Vincent "Ella! Ella!" Sigaw nya, ng masalo ito bago pa tuluyang bumagsak sa sahig. "Ella! Wake up! Come on, wake up."at niyugyog ang walang malay na asawa. "HELL!!! DAMN!!" He cursed. At muling pinindot pababa ang elevator habang buhat buhat ang walang malay na asawa. Nang bumukas ang pinto ng elevator. Nagulat pa ang mga taong naroon na naghahabang sa elevator ng makita syang buhat ang walang malay na si Ella. "Sir what happened?" Agad na bungad ng mga empleyadong nakasalubong nya. "She collapsed!" Tiim bagang na sagot nya at halos takbuhin nya ang lobby palabas habang tila walang kabigat bigat ang asawa. Oo asawa parin nya so Ella sa mata ng diyos at sa mata ng mga tao sa San Miguel. "Hold on Ella! Hold on!" He whispered. Pagdating sa labas kaagad nyang isinakay sa likod si Ella at mabilis na umikot pasakay sa driver's seat at halos paliparin na nya ang kotse sa mabili
"Hindi ito ang daan papuntang bahay namin! Mali ang dinadaanan mo!" Sabi nya, ng mapansing hindi ang papunta sa bahay nila ang tinahak ng sasakyan. Apat na taon syang nawala sa bayan ng San Miguel pero alam parin nya ang mga pasikut-sikot ng lugar. Syempre sa bayan na ito sya lumaki at natutong umibig at nabigo sa unang pag-ibig nya. "Hindi ba't gusto mong maka usap ang Daddy mo" Sagot nito habang sa kalsada nakatuon ang pansin, ni hindi man lang sya nito nilingon. "Yes! So, saan tayo pupunta?" Inis na tanong nya. "Nasa Hotel ang Daddy mo, doon tayo pupunta!" Seryosong sagot nito at niliko ang kotse papasok sa pamilyar na gate sa kanya. "The VincElla Hotel" Ang Hotel na pag mamay-ari ng mga magulang nya at magulang ni Vincent na sadyang ipinangalan pa sa kanila ni Vincent bago pa man sila ikasal. Biglang nanariwa sa kanya ang nakaraan ng makita ang malawak na hardin ng Hotel may namuhong luha sa mga mata nya. Di
"Sorry I'm late." Tinig na nagmula sa may likuran nya. Nilingon nya ang may-ari ng tinig at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata nya ng makilala ang nagmamay- ari non. The Tall, Tan, and Handsome Man standing in front of her is none other than Vincent Dela Merced. Her husband. Napalunok sya at di sinasadyang nabitawan ang hawak na kape at nagtalsikan ang laman non sa sahig pati na sa suot nyang heels at brown skinny jeans. Hindi nya pinansin angnagkalat na kape sa sahig, nanatili syang nakamata sa kaharap. "Are you ok?" Tanong ng kaharap at sinulyapan ang tumapon na kape sa sahig at muling bumalik sa mukha nya ang tingin nito. Kumurap-kurap sya, para siguraduhin sa sarili na hindi sya nananaginip lang, na totoong nasa harapan nya ngayon si Vincent Dela Merced. Huminga sya ng malalim at nakaramdam ng panlalabo sa mga mata, luha na pilit nyang pinipigilan, tumigas ang mukha at mabilis na pinahid ang mga mata bago pa