LOGINSiya ay isang babaeng simple, kalog, mapang asar at ulaga lahat na ng may kinalaman sa pagkabaliw. Siya 'yon! Lahat ng mga problema niya idinadaan niya lang sa tawa at biro. At sa hindi inaasahan, nahulog siya sa isang taong napakahirap abutin. Ngunit dahil sa isang kasunduan sila'y tinali ng mapaglarong tadhana. Posible kayang mahulog rin si lalaki sa kaniya? Hmm Let's find out!
View MoreERIN'SPOVUmupo agad ako sa couch pagkauwi ko. Omg. Grabe! Napagod ako roon ah! Kinapa ko pa ang dibdib ko. Teka? Bakit wala akong dibdib? Ang tagal lumago, baka naman. Natraffic siguro.Sobra-sobra ang nangyari ngayong araw na ito. Kaloka. Nastress 'yong bangs ko.Napabalikwas ako ng upo nang mag-ring ang phone ko. Gosh! Sino na naman ito?Hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino ang tumatawag, sinagot ko na agad."Hello?!" inis na bungad ko sa walang-hiyang sumira ng pahinga ko. Buwisit."Tss. Hello?"My eyes widened! Agad akong napatingin sa phone ko nang marinig ang boses niya!Oh my gosh!As in? Punyemas! Kaya naman pala. Buwisit talaga ito eh!Teka, bakit ba 'to tumawag? May number ba ako sa kaniya?Malamang Erina! Makakatawag ba 'yan kung wala
DRAKE RED'S POVPagkababa ko ng sasakyan ay naglakad na ako habang inaayos ang bitbit kong bag. Agad akong naglakad patungo sa office ko. Tss. Sana naman wala rito si Macy."Hi, Anderson!" Tss. Here we go again.Lumingon ako at mukha ni Luhan na nakangisi ang bumungad sa'kin.Right, what a good day!"Hm?" Simpleng sagot ko. Umismid naman siya. Tss. Parang bata."Whoa. Agang-aga, ang sungit."Tumuloy na lamang ako sa paglalakad at hindi na siya pinansin.Pagkabukas ko ng pinto, bumungad ang babaeng nakatayo at nakatalikod ito sa akin. Sino naman 'to?"Hey, nandito na ang hinihintay mo!" Sambit ni Luhan sa babae.Mabilis naman itong lumingon sa'kin at nanlaki ang aking mga mata. Si Kate? Anong ginagawa nito rito? Lumapad ang ngiti niya nang mapansin ang reaction ko.
ERIN'S POVKasalukuyan kaming kumakain ng gunggong na ito. Wala eh. Ako pa rin ang pinakilos niya.Wala talagang awa! Hmp."Hoy, Red!" Tawag pansin ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa 'kin."Ano na naman?" Iritableng usal niya. Nye! Favorite talaga nitong magalit eh."May pasok ka ba bukas?" Tanong ko. Umirap muna siya bago sumagot. Takte may pag irap pa."Of course! Ayokong makita ang pagmumukha mo. Tss." Aniya.Wow? Ha! Bakit sino bang may gusto sa mukha mo? Edi ako na nga. Peste! Kala yata nito gusto ko ring makita 'yang mukha niyang aso? Duzh."Hoy! pinagkakaguluhan itong mukhang 'to 'no?!" Saad ko habang tinatapik-tapik ang mukha."Tss. Kumain ka na lang. Daming satsat." inis niyang usal. Nye! Mabulunan ka sana! Hindi na lamang ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagkain.Iang sandali pa,
ERIN'S POVPumunta muna ako sa garden nang ako na lamang ang maiwan sa labas. Grabe nakakapagod! Nakakarelax kasi rito eh.Umupo ako sa upuan na bakal at isinandal ang nangangawit kong likod. Wala pa naman si Red kaya pahinga muna. Tagal naman no'n maghatid sa Mommy niya, binuhat niya ba si Tita? Charot.Ang ganda talaga ng mga bulaklak. Agad akong napatingin sa Sunflower. Natigilan ako at pinagmasdan lamang iyon. Hindi ko alam pero naalala ko siya. Kumusta ka kaya? Buhay ka pa kaya? Sana hindi na. Charot.Bad naman.Pero sabi nga masasamang damo,matagal mategi. Ilang taon na rin nang huli tayong mag-usap. Siguro naman, maayos ka. Nevermind.Nahagip ng mga mata ko si Red na papalapit sa puwesto ko. Aba nga naman! Akala ko nakapunta na ito ng Mars sa sobrang tagal!Umaayos ako ng upo at sinalubong siya ng isang ngiti.