DRAKE RED'S POVPagkababa ko ng sasakyan ay naglakad na ako habang inaayos ang bitbit kong bag. Agad akong naglakad patungo sa office ko. Tss. Sana naman wala rito si Macy."Hi, Anderson!" Tss. Here we go again.Lumingon ako at mukha ni Luhan na nakangisi ang bumungad sa'kin.Right, what a good day!"Hm?" Simpleng sagot ko. Umismid naman siya. Tss. Parang bata."Whoa. Agang-aga, ang sungit."Tumuloy na lamang ako sa paglalakad at hindi na siya pinansin.Pagkabukas ko ng pinto, bumungad ang babaeng nakatayo at nakatalikod ito sa akin. Sino naman 'to?"Hey, nandito na ang hinihintay mo!" Sambit ni Luhan sa babae.Mabilis naman itong lumingon sa'kin at nanlaki ang aking mga mata. Si Kate? Anong ginagawa nito rito? Lumapad ang ngiti niya nang mapansin ang reaction ko.
Last Updated : 2020-11-15 Read more