MasukIsang virus ang unti-unting kumakalat sa buong panig ng Pilipinas. Ito ay unti-unti rin na umuubos sa papulasyon ng Pilipinas. Ang simpleng bakasyon ni Agent Xanthea ay nauwi sa pagharap, pakikipaglaban, at pagkikipagsapalaran sa mga infected ng virus na kumakain ng kapwa tao. Isang kagat lang ay maaari na rin itong maipasa sa iba. Kasama ang mga kaibigan at team ni Xanthea—poprotektahan nila ang cure na hawak mismo ni Xanthea. Pangangalagaan niya—nila ang cure laban sa mga taong gustong kunin at wasakin ito para tuluyang kumalat ang virus sa buong mundo. Dadanak ang dugo, marami ang lalaban, marami ang madadamay, at malaki ang mawawasak. Sa huli, katarungan at kapayapaan pa rin ang mananaig. Ngunit tapos na nga ba talaga? Maipagpapatuloy ang kwento nila sa ikalawang kabanata.
Lihat lebih banyakTAHIMIK lang ang buong team habang umaandar ang van. Walang nagsalita sa amin habang may iba rin na pinipikit ang kanilang mata."Nandito na tayo," rinig kong sabi ni Sebastian. Agad na kumilos naman ang mga kasama ko, at kanya-kanya ang tingin sa labas ng van kung may infected ba sa paligid.Makalipas ang ilang minuto ay wala naman kaming nakita infected sa paligid. Binuksan ni Jasmin ang pinto ng van, at naunag lumabas. Sumunod naman ang iba pa na sasama sa akin para kumuha ng pagkain.Huli akong bumaba. Tiningnan ko naman ang mga magbabantay ng van."Dito lang kayo, babalik kami agad," seryoso kong sabi kay Vhon, Sam, at Aira. Nagsitanguan naman sila."Sam, take care of the van. Kapag nakita niyo na lumabas kami mula sa store ay alam niyo na ang gagawin." Tumango naman agad si Sam nang sabihin iyon ni Davin. Isinara ko na ang pinto ng van, at nilingon ang mga kasama ko.
NAUNA na kaming mga babae na umakyat sa second floor kung nasaan ang mga kwarto. Ang mga lalaki ay nag-uusap pa sa baba. May dala kaming tig-iisang kandila na may sindi dahil medyo madilim na ang parte ng mga kwarto dito sa itaas."Hindi ba puwedeng magsama-sama na lang tayo sa iisang kwarto?" tanong ni Aira. Alam kong natatakot, at kinakabahan siya sa mga nangyayari, at sa mga mangyayari pa."Gusto rin namin, Aira... pero we need a rest. Don't worry, magiging maayos din ang lahat," nakangiting sabi ni Jasmin. Kahit gaano pa kalaki ang problema, bilib ako sa kanya dahil nagagawa niya pa rin na ngumiti. Siya ang nagturo sa team na ano man ang problema ay dapat na ngumiti lang.Narating namin ang unang kwarto kung saan sina Vhon, at Aira pansamantalang matutulog."Nasa kabilang room lang kami. You can knock anytime kung may kailangan kayo ni Vhon," sabi ko sa kanya. Ngumiti ako ng tipid, at akmang aalis
"WHAT do you mean na kasalanan mo kung bakit kumalat ang virus?" tanong ni Jasmin kay Vhon. Mabuti naman, at may nagsalita na sa kanila.Nasa sala pa rin kaming lahat. Ganoon pa rin ang posisyon namin. Naging seryoso rin ang mga aura nila nang marinig ang sinabi kanina ni Vhon na may kinalaman siya sa pagkalat ng virus."Seryoso ka ba? What the hell? Bakit mo nagawa iyon!" matigas na sabi ni Sebastian. Nakita ko naman ang paghawak ni Samantha sa kamay nila. Napahinto naman si Sebastian, at hinawakan din sa kamay si Samantha."Okay, explain it yourself. Do you know who is Ferdinan Remidez?" tanong naman ni Davin."Ferdinan Remidez? Sino siya?" tanong ni Justin. Nakikinig lang ako sa mga pinagsasabi nila.Nakaupo sila sa sahig habang ako ay nasa couch naman nakaupo. Si Davin ay nasa tabi ko - sa ibaba ng couch."Yes, he is my Boss. I am an engineer. May humahawak na Age
"ANONG nangyari?" bungad na tanong sa akin ni Justin, kasama niya si Jasmin."Wala, nagutom lang si Vhon kaya nagwala siya. Iba kaso siya magutom, mabuti nga at hindi siya nangangain. Hindi pa ba tapos maghain sina Sam?" pabalik na tanong ko."Hindi namin alam, hindi pa kami pumunta sa kusina," sagot naman ni Jasmin."Sigurado ka ba talaga na ayos lang ang nasa loob ng kwartong iyan?" tanong ni Justin."Oo, pinapakalma na siya ni Aira. Check Sam, and Sebastian kung tapos na ba sila sa kusina. Tawagin niyo sina Aira kapag may nakahanda ng pagkain. Sa labas lang ako." Hindi ko na hinintay pa na sumagot sina Justin at Jasmin. Iniwan ko na sila, at bumaba na.Dala ko ang back pack ko habang tinutungo ang labas ng bahay. Nang makalabas ako sa mansiyon ay bumungad sa akin ang isang garden at ang mga halaman na buhay pa sa paligid. Kahit gabi na ay kitang-kita ko pa rin ang mga kulay ng mga ito dahil sa buwan na nagsisilbing i