LOGINYear XX666
Month of June, day six.In the town of Marigold, a popular town from the northern border of the kingdom of Fantasia...
***
***
***
"Ano ba namang klaseng mapa 'to!" asar kong reklamo. Hindi ko maintindihan ang pagkakagawa ng mapa na 'to. Tinitigan ko ng mabuti ito. Tama naman yung mapa na hawak ko. Yata. Saan ba gawa 'to?!
Napapabuntong-hiningang lumingon ako sa langit.
Universe, ayaw mo ba akong bigyan ng tahimik na buhay? Hindi mo ba akong pagpahingahin? Kakapalayas lang sa akin, tapos heto, minamalas na ako?
Oo, pinalayas ako. Ang bagal ko daw magbabayad ng renta. Nanisi pa. Isang araw lang na-delay, mabagal na? Porque ba may bagong uupa na mas malaki ang bayad at triple ang deposito?
Nevermind that, ayaw ko na din naman do'n at madalas akong manakawan. Blessing in disguise na din siguro 'yon at sign na para umalis doon. Anyway, kaya ako nagmamadali ngayon dahil...
Naramdaman ko ang malakas na pagkulo ng tiyan ko. Napalingon-lingon ako sa paligid. Baka may nakarinig. Mahirap na. Nakakahiya. Tinignan ko ang hawak na mapa at nakangiwing pinanggigilan ito. Kainitan ng araw, pinag-iinit ang ulo ko.
Nevermind this map, kailangan kong maghanap ng kainan. Nagugutom na ako. Dalawang araw straight na kung anik-anik lang ang kinakain ko dahil walang gaanong supply ng produkto sa village na dinaanan ko bago dito. I wonder why.
Itinapon ko ang hawak na mapa. Hindi ko na kailangan 'tong walang kwenta na 'to. Magtatanong nalang ako. Pinahihirapan ko lang sarili ko. Nagsimula na akong maglakad palayo. Somehow, I feel bad about the map. I just sighed. Dala lang siguro ng gutom 'to.
Sa kasabay na oras...
A YOUNG MAN who looks lost keeps looking back and sighing.
"Haru, bakit mo naman kasi binitiwan yung mapa?" Napapagod na tanong ng kasama nito. Nilingon siya ng kasamang nagngangalang Haru na mukhang hindi na alam ang gagawin at sasabihin at mahigpit na hinawakan.
"Sino bang nagsuggest na sumakay tayo sa tren?! Alam mo namang pagdating sa mga sasakyan, hindi ako pwede!" reklamo nito, tila naninisi.
"May ibang choice ba?" Balik na tanong nito. Hindi na nagsalita si Haru at nagpaikot-ikot ang tingin. Napabuntong-hininga ito at naitanong sa sarili,
Bakit pa nga ba ako nag-abalang manermon?
Maya-maya lang ay biglang napatigil ito sa paglalakad. Naiuntog tuloy nito sa likod ni Haru ang katawan.
"Blue, hindi ba 'yon 'yon?!" Histerikal na tanong nito saka dali-daling tinakbo ang distansya ng kinalalagyan ng mapa. Kaagad niya itong sinundan at hindi nga ito nagkakamali, 'yon nga ang hinahanap nila.
"Kaya lang, bakit lukot?"
"Sinong may pakialam sa maliit na detalye? Basta't nasa sa akin na yung mapa, 'yon ang importante!" masigasig na aniya nito. Napailing nalang si Blue. Alam naman niya kung saan nanggaling ang reaksyon nito. Ang mapang 'yon ang magsisilbing unang habang niya patungo sa pangarap niya kaya walang pagsidlan ang saya ng binata.
Sa kabilang banda...
"OH! Pwede na siguro dito!"
Nasa harap ako ng isang maliit ngunit mukhang masarap at sikat na kainan. Halos puno ng tao sa loob at maingay. Kaya lang ay parang may kakaiba. Napalingon ako sa likod ko at napakunot ang noo sa mga reaksyon ng mga tao. Tama ba 'tong nakikita ko? Takot...? Bakit?
"Hija," tawag sa akin ng isang matandang lalaki, bakas ang takot sa mukha. Napalingon-lingon ito sa paligid bago ako muling hinarap.
"Mag-iingat ka," bilin nito. Napalingon ito sa harap ko at nanlaki ang mga mata kaya maging ako ay napalingon pero...
"Wala naman, a?" Napakamot ako sa batok at bahagyang napalunok. Grabe si Lolo, wala pa namang Halloween, kung manakot! Bumaling ako sa pwesto nito ngunit pagkalingon ko, wala na ito.
Alright, now that is creepy.
Kabado man ay nagsimula na akong humakbang papasok sa kainan. Napapalunok, dahan-dahan kong itinulak ang pintuan.
Napabuntong-hininga ako ng makitang normal lang ang lugar. Si Lolo, ang OA! Pero sa mismong pagtatpak ko sa mismong loob, nakaramdam ako ng kakaiba. Napahawak ako sa ulo ko. Tinakpan ko ng panyo ang ilong ko. Ano 'yon? Pampatulog?
Napalingon ako sa paligid. Nawala na ang maingay at masasayang kwentuhan ng mga tao at napalitan ito ng mga pawang mga natutulog na mga tao. What the hell is this?
"So, ikaw lang ang hindi wizard na hindi nahulog sa patibong ko?" aniya ng boses sa likod ko. Napapalunok at parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan akong tumalikod para lingunin ito.
Isang nakangising maskuladong lalaki na mukhang barumbado ang tumambad sa akin. Sa likod niya ay mukhang mga alalay niya na pawang mga nakangisi din. Napahigpit ang hawak ko sa panyo na nasa bibig ko. What kind of situation did I let myself in?
But wait, did he mentioned wizard? Napalingon ako sa paligid. Sa unang tingin, parang normal na restaurant lang ito. But looking back, this must be the very reason why I was kinda hesitant.
Napahawak ako sa ulo ko. It feels like my head is spinning at isa-isang nawawala ang pandama ko. No, this is not a sleeping agent. This is for hypnosis!
I see. That's why the old man warned me, huh? Mukhang may nangyayari ngang kakaiba dito sa Marigold. Mas humigpit at dumiin ang pagkakalagay ko ng panyo sa ilong ko. Damn it.
Mahigpit na hinawakan nito ang baba ko. Gusto ko mang magpumilit ay tila nanigas na ako sa kinatatayuan ko. "Huwag ka nang mag-abala, bata! Wala ka nang magagawa! Hindi magtatagal, makokontrol na namin ang buong Marigold!" Halakhak nito na sinundan ng mga alalay niya. Sinamaan ko lang ito ng tingin. So that's their goal. To control and monopolize Marigold. And I fell as a victim. Great.
I gritted my teeth. If I just only knew where the hell is that sleeping like hypnotic agent. Mas madali sanang kumilos, knowing na limitado lang ang natitirang oras sa akin bago ako mawalan ng ulirat. Muli kong iginala ang paningin.
This is... Sumeryoso ako. So that's how they lured normal people like me in here. Illusion, huh? But is their goal only to control the town? What's the use of luring people here? Robbing them off? Human trafficking? Maybe gagawin kaming experiments? Pagkakakitaan kami?! Ipinilig ko ang ulo. I need to be serious.
Muli along napahawak sa ulo. I'm starting to lose my senses. This is not great. Tinampal-tampal ko ang mukha para manatili akong nasa sarili kahit papaano.
"Ngayon, maupo ka nalang do'n at maupo," utos nito. Pinigilan ko ang sarili kong sundin ang sinasabi niya. Nauubusan na ako ng pagpipilian. Tumalon-talon ako.
This is a petty trick, to be honest. Now I know why he said na ako lang ang hindi wizard na nahulog sa ganitong klase ng patibong. Malalaman kaagad nila na may mali since a wizard's keen of sense is far greater from a normal person like me. One of the vessel's special ability. That's why I couldn't get myself hope kung paano ako makakatakas dito. No wizard would fall for this---
Lahat kami ay napalingon sa malakas na pagkabalibag ng pinto. What the---? Dahil malapit ako sa pinto at tumatalon-talon ako, pati ako, napaatras sa kinatatayuan at napaupo. Nahulog ko tuloy ang hawak kong panyo.
Napapadaing itong tumayo saka pinagpagan ang sarili. Seriously? People should be more careful. But wait. Bakit parang hindi man lang siya naapektuhan ng sleeping agent na 'to? Don't tell me...
And wait, bakit nawala ang kaninang parang nakadagan sa katawan ko at nakakagalaw na ako ng naaayon sa kagustuhan ko? Dahil sa shock na ginawa niya sa katawan ko? Well, let's just treat it as a miracle.
Tumayo ako. Pinulot ko ang panyo na nahulog malapit sa aircon. Tumagilid ako para bumahing, dahilan para muli kong mabitawan ang hawak. Kaasar. Napatitig ako sa aircon. Nagsisimula na akong malamigan. Natigilan ako. That's it! Mabilis kong pinulot ang panyo saka bumaling sa mga bagong dating.
"Huh? Anong nangyayari dito?" tila lutang na tanong nito. Napangiwi ako. Seryoso ba siya?
Naalarma ang mga mukhang sindikato na barumbado. Lalo na ang mukhang boss nila. Mukhang napansin din niya ang napansin ko.
"Bakit tulog ang mga tao?! At akala ko ba restaurant 'to, ha, Blue?!" Histerikal na talak pa nito. Napabuntong-hininga ako at napailing.
Hindi ko alam na may isa pa palang tanga dito bukod sa akin. And what the hell?! Napaawang ang labi ko. Is that a flying cat?! No, the cat has a dragon like wings! Is this for real?
"Haru, kumalma ka. Nawe-weird-uhan tuloy sila sayo." And wait, it's friggin' talking?!
Napalingon sa amin ang tinawag niyang Haru. Napakurap-kurap siya, tila hindi pa din na-a-assess ang sinabi ng tinawag niyang Blue. Blue? But he's color tangerine for Pete's sake! What a weird name.
Binalingan niya ako. "Miss, tama ba ang narinig ko?" Huh? At bakit ako ang tinatanong niya? Bumaling siya as likod ko at nakita ko ang mga goons na mukhang handa ng makipagrambulan. I showed a horrified look at bahagyang napaatras. Wala akong planong makipagrambulan sa mga 'to at alam kong talo ako.
"Sila 'yon, Haru! Yung mga nambully sa akin!" sumbong nito. "Sila din 'yong mga nabanggit ng mga taga-dito na gang!" dagdag pa nito.
Kumunot ang noo ko ng biglang sumeryoso ang mukha nito. Maya-maya pa ay isinuntok niya ang kanang kamao sa kaliwang palad saka ngumisi.
"Sila?" Hindi ko mahinuha kung anong dapat maging ibig sabihin no'n pero sa tono ng boses niya, he's mocking them. Baliw ba siya?!
"Hoy, bata! Isa ka bang wizard?!" sigaw nung mukhang tsonggong lalaki. Inangasan din siya nung Haru pabalik. Just by looking... This guy... is a stupid.
Nabigla ako ng walang pasabi siyang sumugod sa mga ito. Mukhang inaasahan na din nila ang gagawing hakbang nito kaya mabilis nilang naiwasan ang mga itinapon nitong mga kunai. But that was thrown with precision. One wrong move, that would've hit them. And bet, that hurts.
"Hoy pusa, baliw ba 'yong partner mo?!" Nilingon ako nito.
"Una, ako si Blue. Pangalawa, siya si Haru. Pangatlo, talagang ganiyan si Haru. Hindi marunong makinig." Nasa boses nito ang tila pagod pero namamapak lang siya ng chocolate na hindi ko alam kung saan niya nakuha habang mukhang prenteng-prente!
"Huwag kang mag-alala. May pagkatanga man 'yang si Haru, maaasahan naman 'yan," komento niya. Napangiwi ako. Wow. He complimented and insulted him at the same time.
Akmang magsasalita na sana ako ng bigla akong may maramdaman na matalim at malamig na bagay sa sintinido ko. W-What the heck---?!
Lahat sila ay pawang natigilan. Naiwan sa naiwan ang suntok ni Haru at naalarma si Blue. Napalunok ako. Akala ko naman nakaligtas na ako. Mukhang alam ko na kung saan papunta ang eksenang 'to.
"Hoy, bitawan mo siya!" sigaw ni Haru. Mahina akong napabuga ng hangin. Baka.
Mas idiniin pa nitong tabachingching na 'to ang kunai sa sintinido ko. Gago, papatayin ba talaga nila ako?!
Galit na hinarap ng mukhang leader nila si Haru at hinawakan sa kwelyo. Prente ngunit masama ang tingin ni Haru nito.
"Hoy bata, sinadya mong ibalibag yung pinto para makawala sa hypnosis yung babaeng 'yan, ano?!" Huh?! Napakurap ako sa sinabi niya. Bumaling ako kay Blue na tumango lang habang si Haru ay nanatiling masama ang tingin sa kaharap. O-Oh. So that's the case... Parang naramdaman kong namula ang tenga ko. I won't deny. I was shooked.
"Huh?! Anong pinagsasasabi mo?!" asar na saad ni Haru. Ipagpatuloy mo lang 'yang pag-arte mo diyan at ng makagawa ako ng paraan para makatakas dito.
Tinuro niya ako. "Dapat sakanya ka magtunog ng pansin! Tumatakas, o!" Panlalaglag niya. Napaawang ang labi ko. Binabawi ko na ang pasasalamat ko!
"Bakit mo sinabi?!"
"Totoo naman, e!"
Parang nangangati ang kamay kong manuntok, a?! Napafacepalm si Blue sa mga pinagsasabi ni Haru. Dala ng asar, madiin kong inapakan ang paa nitong may hawak ng kunai. I elbowed his stomach at tinampal ng may pwersa ang kamay and I twisted it before I landed a final blow on his stomach na siyang naka-pagpa-atras dito.
Ang OA. Gano'n ba kalakas 'yon para magsuka siya ng dugo?
Sinadya kong i-angat ang paa ko at pumosisyon na tila maninipa saka malakas na tinadyakan ang aircon na siyang naka-pagpa-atras sa kanila. Parang nawalan ng kulay ang mukha ng sinuntok ko. Paano, malapit siya as aircon. Kung hindi siya kaagad umatras, siya ang madudurog ang mukha.
Lumabas ang tila kulay lila na usok mula dito. Ngumisi ako. Mukhang tama nga ako. Galing sa aircon ang sleeping hypnotic agent na 'yon. Wala man sa mukha nila, isa silang wizard. Kaya immune sila sa sleeping agent na 'to. I see. Wala kasing gaanong wizard dito making it more easier for them to go and have control in this town.
Nilingon ko si Haru. He already beat them up?! Just how strong is this guy? Si Blue naman ay nanatiling kumakain ng chocolate. Ang dami nating ambag, a?
Pabalibag na bumukas ang pintuan at dumating ang mga reinforces nila. Uh-oh. Not good. Nagkamali yata ako sa pag-assume na yung mukhang giant na lalaki ang lider nila. Mukhang mas malaki pa ang isyu tungkol dito. But first...
A hand grabbed my arm. It was Haru. He looked troubled. Napalingon ako at nakitang halos wasak na ang buong lugar.
Bago pa ako makapagsalita ay nahila niya na ako.
"TAKBO!" Pabalibag niyang binuksan ang pinto at saka ako mabilis na hinila. Halos madapa naman ako sa lakas ng pagkakahatak niya. Kaya ayokong hinihila, e!
Pero teka, yung mga tao! Lumingon ako muli sa likod at nakitang gising na sila. Bakas sa mga mukha nila ang takot. Ang mga mata nila ay tila humihingi ng tulong. Napalunok ako. Parang bigla akong na-pressure.
Pero huli na, malayo na sila sa tanaw ko. Napabuntong-hininga ako. Parang nagu-guilty ako. Hindi ko man lang sila natulungan. Sabagay, ano ba naman ang kaya kong gawin? I could barely save myself. Thanks to Haru. Nilingon ko ito.
Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa pagkakabusangot niya. Eh? Niyugyog niya ang kumakain na si Blue.
"Blue, paano na 'yon?! Yung bag ko, naiwan!"
Blue remained unbothered. "Balikan nalang natin mamaya."
Tumikhim ako. Well, they saved me and I couldn't just stand still here and do nothing but to gave back the favor they did. Nilingon nila ako.
He tilted his head, wondering who the hell am I. Oh, right.
"Sino ka?"
"Haru, siya yung tinulungan mo. Si--- Sino ka nga ulit?" Napangiwi ako. Magpartner nga kayo.
"Natsumi. Natsu, Sumi, kahit alin do'n, ayos na."
"Oh!" Haru looks disinterested. Still can't move on about his bag?
Napailing si Blue, tila disappointed dito. Wow, siya pa ang disappointed.
Ikinaway niya ang kamay. "Hello sayo. Ako si Blue at siya si Haru!"
Ngumiti ako. And to bring the favor back...
"Ano... May alam ba kayong masarap na kainan dito? Kanina pa kasi ako nagugutom, e. My treat! Since tinulungan niyo din naman ako..."
Nilingon nila ako, parang nagslow-mo ang paligid. Seriously? Parang kumikinang ang mga mata nila at halos maluha sila sa sinabi ko na parang may sinabi akong nakakaantig. Talk about weirdos.
Mabilis nila akong nilapitan at niyugyog ang kamay ko. Hindi po ako kumakandidato. Pakiramdam ko tuloy anumang oras, kakalas ang mga buto ko sa kamay. Ang bigat ng kamay, eh.
"Oo! Tara na!" saad ni Haru saka ako hinila. Hobby niya ba ang tug-of-war?
Maya-maya lang ay nakarating kami sa isang liblib na lugar. May kasikipan man ang paligid, maaliwalas naman dito. Tahimik at kakaunti lang ang taong naroroon.
Gawa sa matibay na kahoy ang kabuuan nito. Natigilan ako ng maamoy ang mabangong aroma mula dito. Naramdaman ko ang pagkalam ng tiyan ko. Naramdaman ko ang titig nila kaya napatikhim ako.
"T-Tara na?" Walang pasabi at mabilis silang tumakbo papasok. Nakahinga naman ako ng maluwag. Nakakahiya! Patakbo akong sumunod sa kanila.
Sinalubong ako ng malawak na kainan at ng isang may katandaan ng babae. Huh? Pero maliit lang... I see. Magic, huh?
"Tandang Issa!" bati ni Haru. Napangiwi ako. Where's his manners?
Binalingan kami nito. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla ng makita niya si Haru pero 'di kalauna'y natutuwa siyang napangiti at iginaya kami na maupo.
"Aba'y ikaw na ba 'yan, Haru? Kay laking bata mo na, a!" Ngumiti lang si Haru. Napalingon naman sa akin si Ms. Issa saka nginitian. Ginantihan ko din 'yon ng ngumiti at bumati.
"Sino naman ang magandang dilag na 'to? Nobya mo?" Eh?! Kaagad akong umiling sa sinabi nito.
Nilingon ko si Haru na ngayo'y nakaupo na at mukhang anumang oras ay mamamatay na sa gutom. Napailing nalang ako saka naupo. Kinuha ni Ms. Issa ang order namin at ilang minuto lang ay dumating na ito.
"O, siya. Heto." Inilapag ni Ms. Issa ang limang bowl ng ramen sa harap ni Haru. Lima?! Samantala ay inabot naman niya kay Blue ang puro panghimagas. Wow. Sosyal ang pusa niyo.
"Heto, hija," abot ni Ms. Issa sa order ko. Nagpasalamat ako bago nagdasal at nagsimulang kumain. Naghari ang katahimikan sa mesa at tanging pagkalansing ng mga kubyertos ang maririnig. Para kaming nasa eating contest at pare-pareho kaming mabilis na kumakain at hindi nag-abalang pansinin ang isa't-isa. Aba, pagkain 'to.
Nang maramdaman kong medyo busog na ako, tumigil muna ako sa pagkain. Nilingon ko ang dalawa na tila walang kabusugan. Bahagya akong napangiwi at sinilip ang wallet ko. Mukhang mapapasubo ako ng wala sa oras, a?
"By the way, Haru. Ano nga palang dahilan at napunta kayo do'n sa lugar na 'yon? I mean, may nagbabala ba sa inyo or whatever about that place?"
Si Blue ang sumagot sa akin.
"Ah, 'yon ba? Narinig kasi namin kanina yung tungkol sa usap-usapan sa restaurant na 'yon." I see...
"Yung matandang lalaki yung nagturo sa amin," saad ni Haru. Oh, si Lolo? I wonder what happened to this town. It was said that this town lived in prosperity for a long time and peace was long overdue.
"Ikaw? Bakit ka nandito?"
"Naghahanap ako ng bagong matitirahan. Isa pa, may hinahanap ako sa lugar na 'to. Kayo?"
"May hinahanap kaming mga tao. Taga-dito kami. At napalayas ka? How awful."
Binalingan ako ni Haru. "Baka hindi ka nagbayad ng renta," komento niya na siyang nakapagpataas ng kilay ko. W-What?! Napafacepalm nalang si Blue.
"Isang araw lang akong na-delay, pinalayas na ako! Porque may mas may kaya ang bagong uupa, kulang nalang ihagis sa labas ng bintana ang mga gamit ko! Ang sama, diba?!" madramang litanya ko. Nilingon ko sila pero nakita kong nagbubulungan na sila. Hindi man lang sila nag-abalang sumabay sa agos!
"Haru, ang ingay niya."
"Kaya nga. Ang daldal."
Calm down, self.
Inubos ko muna ang pagkain ko bago muling nagsalita.
"Ms. Issa," baling ko sa matanda. Nilingon naman ako nito. "Ano po bang nangyari dito?"
Bago pa ito makapagsalita ay tumunog ang relo ko, tanda na kailangan ko ng balikan ang mga gamit ko sa pinag-iwanan ko at baka manakaw.
Kaagad akong tumayo. Sinundan ako ng dalawa ng tingin, nagtataka.
"Mauuna na ako sa inyo," paalam ko.
"Thank you ulit kanina, a? Blue. Haru." Tinanguan lang nila ng appetite ng isang 'to. Kahit paubos na ang pagkain, magana pa din. Pati ang sosyalin niyong pusa na walang patumangga at dire-diretso as pagsabog ng sweets. Matibay naman ang mga ngipin ng mga pusa kaya wala akong dapat ikabahala. Muli nila akong kinamayan at niyugyog na siyang nakapagpaatras sa akin. Nakakadala.
Inabot ko ang bayad kay Ms. Issa. Nung una ay wala siyang paanong tanggapin ito pero dahil nagpumilit ako ay wala na siyang nagawa.
Sumaludo silang dalawa sa akin at kinawayan ako ni Blue.
Nilingon ko muli sila ng isa pang beses bago ko sila kinawayan at umalis. Nakangiti akong naglakad palayo. That was short but it was kinda fun.
Samantala...
HABANG tinatahak ni Natsumi ang sarili nitong landas, nanatili sila Haru at Blue sa kainan ni Tandang Issa.
"Grabe, ang takaw din pala ng babaeng 'yon!" komento ni Haru.
"Parang ikaw, hindi? Pero mas malala pala siya sayo. Naka-walong mangkok!"
"Nga pala, Tandang Issa. Ano sana yung sasabihin niyo sakanya?" tukoy nito kay Natsu.
Naupo ang matanda sa harap nila at mabigat ang naging buntong-hininga. Nagkatinginan sila.
Tinapos na ni Haru ang kinakain. "Anong problema?" seryosong tanong nito.
"Sa totoo lang, magmula ng mawala ang nag-iisang guild ng Marigold, doon nagsimula ang mga kaganapan na 'to."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nung una, wala pa namang seryosong problema. May ilang mga nag-aamok at naghahamon ng mga away at gulo pero naaayos naman. Pero nitong nagdaang nakaraang dalawang taon, doon nagsimulang umusbong ang tunay na problema."
"Si Obra Maestra, ang leader ng kilalang sindikato na Cobras ay nagpuslit ng mga miyembro niya dito. Kung hindi ako nagkakamali, tatlong taon na ang nakakaraan magmula ng ma-dissolve ang guild niya. Ginawa nilang base ang Marigold. Nung una, ang ginawa lang nila ay ang gumawa ng mga gulo na pwedeng maayos. Pero ang hindi namin alam, ang pagbabalewala namin sa kanila ang magiging dahilan para mapasakamay ng masasamang nilalang ang Marigold. Sinimulan nila sa pangingidnap at paghingi ng ransom sa mga mamayamang pamilya dito. Iba't-ibang klase ng krimen ang nangyayari sa araw-araw. Palala ng palala. Ginawan na ng paraan ng Council ng palihim pero nagbanta ang mga ito na papatayin ang lahat ng mamamayan kapag gumawa sila ng hakbang."
"Gano'n ba sila kalakas?"
"Hindi naman. Pero mas inuna ng Council ang mga buhay kuno namin. At dahil maimpluwensya din sa Underground ang mga ito, maaaring makarating sa palasyo ito na siyang iniiwasan nila. Alam mo namang magkaiba ng paraan ng pagpapatakbo ang palasyo at Council."
"Ang Mayor?" si Blue.
Umiling ito. "Wala din siyang nagawa. Pati ang pamilya niya ay ginamit laban sa kaniya. Ang pondo ng bayan ay tinangay nila at ginawang sariling pondo."
Diniinan niya ang hawak sa plastic na baso dahilan para masira ito. "Bastards...!"
"Haru..."
Hinawakan ni Ms. Issa ang mga kamay ni Haru, ang mga mata ay umaasa.
"Haru, alam kong matutulungan mo kami. Pakiusap... S-Si Level..." Pinigilan nitong maiyak.
"Wala na akong pakialam kung tuluyan nang bumagsak ang negosyo ko b-basta ligtas... ang a-apo ko."
"Huwag kang mag-alala, Tandang Issa. Ibabalik ko sayo si Level. Blue, tara na!"
Walang pasabing saad ni Haru saka lumabas. Nagpasalamat muna si Blue bago sumunod dito.
"Haru! Saglit!" Muli nitong ginamit ang mga pakpak nito. Bakas ang iritasyon ang pagtataka sa mukha ni Haru.
"May mali ba?"
"Hindi mo ba napansin? Na wala ang peklat ni Tanda sa mukha niya." Natigilan si Blue.
Tumango si Haru. Natahimik panandalian si Blue. Inis niyang sinipa ang bato sa harapin niya.
"Pero hindi ka pwedeng maging pabaya dito, Haru. Tandaan mong buhay ng mga tao ang nakasalalay dito. Anong plano mo?"
Ngumisi si Haru. Ang mga mata nito ay walang singlinaw, buo ang loob sa binabalak. "Alam ko. Wala pa akong matibay na plano pero may alam akong makakatulong sa atin. Kaya tara na!" saad nito at nauna na.
"Sino?"
"Malalaman mo din!"
"Ginawa mo pang suspense."
"Basta!"
"Sino nga?!"
"Ang kulit mo!"
Hindi ko pwedeng pabayaan ang Marigold sa mga kamay ng mga hinayupak na 'yon.
***
Habang tinatahak ng dalawa ang magkaibang landas, sa kabilang banda ay nagbabadya na ang pagdating ng bagyo.
***
Year XX666Month of June, day six.In the town of Marigold, a popular town from the northern border of the kingdom of Fantasia...***"Finally, nandito na ako!" A young girl said in a relieved voice as she took a step out of the train. At the same time, a young man who look like he's about to throw up accidentally let go the map he's holding. The young girl passed behind the guy and picked the map cluelessly.***It's a fine day in the town of Marigold. Unbeknownst to everyone, the day fate and destiny has join forces and connected is finally coming.***NAAASAR KONG pinagbali-baliktad ang mapang hawak. Kanina pa ako nagpapaikot-ikot pero hanggang ngayon ay hindi
"Oh, a shooting star!" The little girl immediately closed her eyes and make a wish."Do you know the story of the shooting stars?"Once there was a star who couldn't gleam light, whatever she does. She was outcasted and treated as a shame. All of her friends has left her alone. Full of agony, she asked the moon."Why is that I'm the only one who's left behind? Why can't I shine? What do I lack?" "Find the reason. Why do you need to shine? Why do you want to shine? Search for the answer. The key is within you."She did what the moon adviced. She went on a journey, traveling around the world. Little by little, she found her resolve. The reason why she can't shine whatever she does."It's because I didn't understand the most important thing, right?" she asked. "That true light never lies on the outside. A lig