LOGINTo Escape Boy's RoomWritten by heypheejaehChapter 10VANCE's POV"Boys, bumalik na kayo sa classroom! That's enough! But before that, go to the locker room first to change your clothes," sabi ni Professor Edong at agad umalis.Dumiretso na kami sa locker room pagkatapos ng activity namin.Ako naman ay kunwari lamang magbibihis para hindi halata. Ayoko namang magpalit ng damit sa loob ng locker room kasama ang mga lalaki. Edi, nabisto na nila ako at nawalan pa ako ng dignidad bilang babae.Pagdating ko sa locker room, naabutan ko ang kaguluhan ng mga lalaki. Mukhang may nabuong-away at suntukan sa loob dahil lahat sila ay nagkakagulo."Gago ka pala, e!""Eh, tarantado ka naman! Akala mo ba sa'yong-sayo ang lahat!"Mabilis nitong sinugod ng suntok ang isang lalaki na kaaway. Tinama
To Escape Boy's RoomWritten by heypheejaehChapter 9VANCE's POV"Ashel Jessie, wake up!""Hmm... inaantok pa ako, Ma.""Ashel, gising na! Huhubaran na kita para hindi ka na mahirapan, tol."Mabilis akong nagdilat ng mata at aligagang bumangon. Nandito pala ako sa school ng mga boys."Ano bang ginagawa mo? Bakit mo ba ako huhubaran?" Singhal ko kay Vandross. Pati ba naman sa pagtulog ko minamanyak ako ng lalaking 'to."Concern lang ako, tol. Kahapon mo pa suot 'yang uniform mo.""Bakit kailangan mo pa akong hubaran habang tulog ako? Alam mo ba ang salitang privacy? Ganyan ba kayong mga lalaki? Ha?""Lalaki ka rin naman, tol. Lahat naman tayo dito ay lalaki at may bayag, kaya normal lang na makita natin ang katawan ng isa't-isa." Paliwanag ni Vand
To Escape Boy's RoomWritten by heypheejaehChapter 8VANCE's POVTulala lang ako sa aking dormitoryo at nagmumuni-muni. Inabala ko ang sarili sa panonood ng telebisyon habang hinihintay na matapos maligo 'yung tatlong pugo na may lawit nang sa gano'n ay makaalis na sila.Hanggang kailan ko ba gagawin 'to?Mapapadalas na yata ang pagiging late ko nito sa first class ko."Ibang klase ka, tol. Hindi ka man lang nagpalit ng uniform mo kagabi? Tibay mo!" Bungad ni Vandross sa 'kin.Inaayos niya ang gamit sa loob ng kanyang bag. Nakasuot na rin ito ng uniform para sa pagpasok."Hindi naman ako naliligo.""Ibang klase ka talaga. Hindi kaya puro libag na 'yang nasa katawan mo?" Natatawang nitong sambit."Kulang ako sa hilod.""Dapat sumabay ka sa amin maligo, para ako ang ma
To Escape Boy's RoomWritten by heypheejaehChapter 7VANDROSS' POV"Hindi ba kayo nawi-weirduhan sa bago nating dormmate?" tanong ko sa kaibigan kong hindi pinagpala ng kagwapuhan.Pagdating namin dito sa dorm binagsak ko agad ang bag ko. Nahiga sa kama ko at iyon agad ang naisip kong itanong sa kanila."Sobra," sabi ni Jaizen habang naghuhubad ng kanyang uniform para magpalit."I think, there's something wrong about him," sagot naman ni Daven."Oo, tama ka 'tol! Nakakapagtaka nga na ayaw niyang sumabay maligo. Supot talaga ang lalaking 'yon!" sabi ko."Yeah, you're right. Nakita ko rin siyang pumunta ng bathroom kagabi para yata mag-shower pero napansin kong hindi siya tumuloy," sagot ni Daven.Kakaiba 'yong mga kilos niya. Iniiwasan niya kami kapag sabay na maliligo.Napa
To Escape Boy's RoomWritten by heypheejaehChapter 6VANCE's POV"Boys! Manahimik kayo!" Sigaw ng guro namin na si Professor Touner.Sa lahat ng naging guro na na-meet namin ngayong araw, siya 'yung kakaiba at may pambihirang taglay. Siya lang naman ay may pusong babae katulad ko. Hindi siya ang tipong tipikal na baklang nagsusuot ng damit pambabae. Kung hindi niya lang sinabi na bakla siya, iisipin kong lalaki siya kasi ang gwapo niya at hindi mo iisiping binabae siya.Mga kaklase ko naman ay pinagka-kaisahan 'yung guro namin. Parang sinasadya nilang mag-ingay at hindi makinig sa discussion."I said, quiet boys!"Natahimik naman ang lahat ng kaklase. Mabuti kung gano'n dahil ako mismo ay suko na sa kaingayan nila."First day of class pa lang natin pero ganyan na agad ang pinapakita n'yo
To Escape Boy's RoomWritten by heypheejaehChapter 5VANCE's POVKanina pa kumakalam ang sikmura ko. Nakalimutan kong mag-almusal kanina. Naiiyak na ako, namimilipit na ako sa gutom."Any problem, Mr. Elpiero?"Napansin ng guro namin na hindi ako mapakali sa pwesto ko at namimilipit dahil sa gutom. Agad akong tumuwid ng upo at hindi ininda ang tiyan ko."W-Wala naman po," sagot ko."Sigurado ka, hijo?""Opo."Umayos ka, Vance. Makakakain ka rin, may pera ka galing kay Vandross.Nagpatuloy ulit siya sa discussion. Kung anu-ano sinasabi niya pero hindi talaga pumapasok sa utak ko."I'm the head of Physical Education and holding a two major class that we called, swimming class and military class," sabi ni Professor Argos.Siya ang physical education subject teach