"Kayo pala ang bagong lipat," sabi ng babae na sa tantiya ay nasa nasa 40s na."Opo, dito po ba kayo nakatira?" Tinuro ni Alicia ang katabing unit."Oo, hija." Ngumiti ang babae. "Sinadya ko lang talaga kayo para sabihing huwag masyadong maingay kapag gabi lalo na malapit sa kwarto.""Bakit po? May multo ho ba rito?" Yumakap si Aki sa braso ni Alicia.Natawa naman ang babae sa tinanong ni Aki at sa naging reaksyon nito."Walang multo dito, hijo.""E, bakit ho huwag masyadong mag-iingay lalo sa gabi?"Ngumiti muna ang babae. "May sakit kasi ang anak ko. Nahihirapan siyang matulog sa gabi kapag naaalimpungatan.""Ah, kaya po pala. Naiintindihan po namin, 'di ba Aki?" Baling ni Alicia
Última actualización : 2020-11-14 Leer más