LOGINAlas otso na ng gabi. Maririnig dito sa bukid ang tunog ng mga kuliglig at mga kaluskos na marahil ay mula sa mga hayop sa paligid katulad na lamang ng aso, pusa at manok na pagmamay-ari ni Aling Lordes.Mula sa mesa ay sumilip ako sa bintana. Litaw na litaw ang liwanag mula sa mga kulisap dito sa madilim na bukirin. Makikita ang mga anino ng naglalakihang puno at matataas na halaman. Tumatagos din sa mga dahon ng mga puno ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan.Sumubo ako ng kanin at humigop ng sabaw na nasa mangkok. Kumakain kami ng hapunan kung saan ay pinagsasaluhan namin ang sinigang na binili nina Mama at Pap
Tumunog ang huling bell hudyat na uwian na. Nagpaalam ang huli naming professor sa English subject.Pagkalabas na pagkalabas ni Sir Dan ay nagsimulang magtayuan ang ilan sa mga kaklase ko. May mga nag-aayos, naglalagay ng pulbos, nagsusuklay at nagsasalamin. Ang ilan naman sa mga lalaki kong kaklase ay abala sa pakikipagkuwentuhan at pakikipagkilala sa ilan sa mga babae kong kaklase. Isa sa madalas lapitan ng mga kaklase kong lalaki ay si Ishiah Nica. Maganda si Ishiah. Maputi, balingkinitan, at mahaba ang m