LOGIN
ASH...Habang nasa loob ako ng taxi, hindi ko mapigil ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Ang sakit-sakit. Paanong ang isang masayang araw ay nauwi sa ganitong ending?Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ayoko rin namang umuwi ng bahay dahil ayokong makita ako ni nanay sa ganitong kalagayan. Ilang beses pang tumawag si Andy pero nire-reject ko ang mga tawag niya. Tinawagan ko si Claire.Nagkita kami ni Claire sa isang fastfood sa Monumento."Ash, kamusta? Ano ba'ng nangyari?" agad niyang tanong pag-upo pa lang niya."Claire..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad na namang bumalong ang luha sa mga mata ko. Hinayaan niya lang akong umiyak habang hinahagod niya ang likod ko. Nang mahimasmasan ako, saka ko ikinuwento ang lahat."Hindi mo man lang ba siya pagbibigyang makapagpaliwanag? For sure, may dahilan ang lahat. Sa ilang buwang panunuyo sa'yo ni Andy, naging saksi ako sa lahat. Nakita ko ang sinseridad niya sa mga
ANDY..."Bro sa wakas nagpakita ka din. Almost five months ka nang missing in action ha," sabi ni Mike habang umiinom kami sa tambayan namin."Sorry guys, busy lang talaga sa school.""Ows? Sa school nga ba o sa chic? Hmm, kamusta na si Ms. LRT girl?" sabi naman ni Jon."Actually, both." sagot ko. "Pero hindi pa KAMI officially, exclusively dating pa, maybe.""Huh? For five months?" halos sabay pa nilang sabi. Kaya tumango ako."Bago yun bro, ha. Hindi ba sya nagwapuhan sa'yo? O inaalat na ang mga moves natin jan?" ani Mike."Naisip ko na rin 'yan. Kaso, iba talaga siya e. Pero sa maniwala kayo't hindi, never ko na-feel na naiinip ako sa set-up namin. Ang totoo niyan, lalo pa nga akong na-e-excite sa araw-araw na development ng relationship namin.""Siguro, patok sa akin 'yong kasabihang 'it's worth the wait'.""Good luck, pre." sabi ni Jon."Thanks."Sunday, nagsimba kami ni Ash then we decid
ASH...Nang makita ko siyang naghihintay sa akin after work, sobra akong natuwa, "Ganun ba talaga siya kadesididong makilala ako?" Kaya naman naisip ko na ibigay na ang cp number ko sa kanya. Tutal two weeks na rin naman niya akong kinukulit, wala namang masama kung makipagkaibigan ako sa kanya. Pero no'ng mag-request siya na mag-snack at mag-coffee, tapos tinitigan niya ako, pakiramdam ko hawak ko ang mundo. "Napaka-gwapo naman nito para i-turned down ko."Kaya pumayag na rin ako. Mula noon, hindi na siya nagde-deposit ng 100 pesos araw-araw, pero lagi naman niya akong sinusundo after office work. Nalaman ko rin na gimik niya lang 'yon para magpapansin sa akin. "Hmmm, ang haba ng hair ko di'ba?""Wala kang work? Eh, ano lang ang ginagawa mo sa araw-araw?"Iniisip ka." sabay kindat sa akin."Seriously?!" sabi ko sabay taas ng isang kilay ko. "Hindi ka ba nagtapos ng college?""Actually, engineering undergrad ako.""Ayun naman pl
ANDY..."Bro, musta? Parang ang lalim ng iniisip mo a? May problema ba?" si Mike, isa sa mga best friend ko nung college na ngayon ay nagwo-work na sa isang construction firm."Pre, mukhang di problema kasi ang lapad ng ngiti o? Chic ba pre?", ani Jon, isa pa naming tropa na nagtatrabaho naman bilang IT sa isang sikat na telecommunication company.Sa aming tatlo, ako lang ang under-graduate. Pero kahit busy sila sa mga trabaho nila, madalas pa rin kaming magbonding dito sa paborito naming billiard & bar restaurant sa Makati. Palibhasa malapit sa mga work nila ganun din sa condo ko."Bro, may nakilala kasi akong chic." sabi ko. Kumunot ang noo ng dalawa sabay sabing, "Pa'no na si Laila?"."Oh, come on pre, iba naman yung kay Laila. Pero, itong chic na 'to, teka nde ko pa pala alam ang pangalan nya." Akmang tatayo ako, gusto kong puntahan ang babaeng 'yon para alamin ang pangalan nya, "Pero saan?" Mabilis nila akong pinigilan.
ASH... "Uuwi ka na ba, Ash? Sabay naman tayo pa-LRT." ani Claire, isa sa mga naging malapit kong kaibigan at kasamahan sa bangko."Sige ba, magligpit ka na para saktong alas-sais maka-out tayo, ang dami pa namang pasahero sa Gil Puyat." sagot ko sa kanya."Ok." ani Claire.Mabilis naman kaming nakarating ng Gil Puyat. Gaya ng inaasahan, rush hour kaya marami na namang nakapila at nag-aabang ng tren. Maya-maya nga ay may paparating nang tren, at saktong nagbukas ang pinto sa aming kinatatayuan. Pasampa na ako sa tren nang biglang may bumundol sa aking likuran na muntikan ko nang ikatumba. "Ayos ha, walang pakundangan akala mo maiiwan ng tren." Sabay tingin ng masama sa lalaking bumangga sa akin ngunit sinulyapan niya lang ako na parang walang nangyari."Oy, wag ka na magalit gwapo naman e", bulong ni Claire na tinudyo pa ako."Anong gwapo? Kahit na ba gwapo siya kung un-gentleman naman e wala akong pakialam. Kung ako lang