SA tanong na iyon ay natigilan siyang napatitig kay Charles. Wala naman iyon kung tutuusin, pero hindi niya maintindihan kung bakit iba ang naging dating sa kanya. Iyong tipo na parang gusto niyang isipin na may chance naman pala siya sa lalaki. Pero imposible iyon kaya agad niyang ipinilig ang ulo. Umiling siya. “W-Wala po akong boyfriend sir” sagot niya saka nahihiyang ngumiti. Tumango-tangong muli si Charles saka nagbuka ng bibig para muling magsalita. “Last question, bakit Keira ang pangalan mo? You know kakaiba siya sa pandinig ko and I’m just curious.” “Ah, ang ibig sabihin po kasi ng Keira ay “little dark haired one”. Natural na itim po kasi ang buhok ko kaya iyon ang ipinangalan sa akin ni nanay” paliwanag niya. “Nice” ang lalaking tumayo. “so paano, see you tomorrow?” anitong inilahad ang kamay sa kanya. Tumayo narin siya saka kinakabang tinanggap ang pakikipagkamay ng kanyang amo. “Maraming salamat po sa pagtitiwa
Last Updated : 2020-02-20 Read more