LOGINRamdam ko naman, aminado ako na in love na ako kay sir Charles. Ramdam ko rin na ganoon siya sa akin, pero iba ang mundo niya sa mundo ko. Hari siya at alipin lang ako.Pero gusto ko iyong pakiramdam na minamahal at inaalagaan niya. At kahit nakakakaba gusto ko rin na palagi nasa tabi ko lang siya.
View More“SIR?” kinabukasan nang tawagin siya ni Charles.Noon itinuro ng lalaki ang silya sa harapan ng mesa nito. “Ibinigay na sa akin ng Marketing Department itong proposal mo. Maganda siya, pero gusto ko lang i-clarify ang gagamiting model ay lalaki?”Nasorpresa man sa narinig ay minabuti parin ni Keira ang magkontrol ng emosyon at itago ang tuwang nararamdaman. “Opo sir, kailangan gwapo at misteryoso ang itsura” aniyang kinilig pa.“Kailangan gwapo at misteryoso ang itsura?” ulit ni Charles na salubong pa ang mga kilay.Noon siya ngiting-ngiti na tumango. “Opo sir, iyong nakaka-kabog ng dibdib pag tumitig. Parang may magnet ang mga mata” aniyang kinilig ulit.Noon umiling na parang hindi interesado. “Artista ang sinasabi mo Miss Perido” anito sa pormal na tono saka inilapag sa mesa folder kung saan naroon ang proposal niya.Napahagikhik si Keira. “Naku naman sir bakit pa tayo lalayo eh hayan na nga kayo. Gwapo, mist
SA tanong na iyon ay natigilan siyang napatitig kay Charles. Wala naman iyon kung tutuusin, pero hindi niya maintindihan kung bakit iba ang naging dating sa kanya. Iyong tipo na parang gusto niyang isipin na may chance naman pala siya sa lalaki. Pero imposible iyon kaya agad niyang ipinilig ang ulo.Umiling siya. “W-Wala po akong boyfriend sir” sagot niya saka nahihiyang ngumiti.Tumango-tangong muli si Charles saka nagbuka ng bibig para muling magsalita. “Last question, bakit Keira ang pangalan mo? You know kakaiba siya sa pandinig ko and I’m just curious.”“Ah, ang ibig sabihin po kasi ng Keira ay “little dark haired one”. Natural na itim po kasi ang buhok ko kaya iyon ang ipinangalan sa akin ni nanay” paliwanag niya.“Nice” ang lalaking tumayo. “so paano, see you tomorrow?” anitong inilahad ang kamay sa kanya.Tumayo narin siya saka kinakabang tinanggap ang pakikipagkamay ng kanyang amo. “Maraming salamat po sa pagtitiwa
KINAGABIHAN ay maagang nahiga si Charles para magpahinga. Pagod siya pero siguro dahil okupado ng maraming bagay ang isipan niya ay talagang hindi siya makatulog. Noon niya inabot ang cellphone niyang nasa kanyang side table at parang wala sa sariling binuksan ang folder ng mga images. Saka tumambad sa kanya ang isang pamilyar na mukha na nagpangiti sa kanya.Hindi niya alam kung natanggap ba ito sa trabaho. Ang totoo gusto naman talaga niyang alamin kanina kung naging maayos ang application nito. Pero dahil ayaw niyang magkaroon ng kulay ang pagtatanong niya ay nagpigil nalang siya. Anyway kung sakali man ay makikita rin naman niya ito kapag pumapasok na.Ilang sandali ang nakalipas at nanatili siyang nakatitig sa picture na nasa kanyang cellphone. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng magandang babae. Pero aminado siyang iba ang dating ng isang ito sa kanya at aliw na aliw siya sa babae.Nasa ganoong ayos siya nang biglang tumunog
MAAGANG nagising si Keira kinabukasan.Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero talagang positibo ang pakiramdam niya na magiging maganda ang resulta ng lakad niya ngayon. Kaya naman nang makababa ng taxi sa tapat mismo ng mataas na gusali ng Bluebook Bookstore ay magagaan ang mga paa siyang naglakad sa malawak na parking space ng bookstore.Ramdam niya ang pagpapawis na ng kanyang mukha kaya naman minabuti muna niyang tumigil sa tapat mismo ng isang kulay itim na BMW saka sinipat ang mukha sa tinted nitong salamin.Medyo oily na nga ang mukha niya kaya inilabas niya ang kanyang press powder at nag-retouch. Matapos iyon ay isinunod niya ang kanyang lipstick at huli ang bahagyang nagulo niyang buhok.MULA sa loob ng kanyang kotse ay aliw na aliw na pinanood ni Charles ang babaeng abala sa pag-aayos ng sarili gamit ang tinted na salamin ng kanyang sasakyan. Naiiling at malapad ang pagkakangiti niya itong pinanood hindi dahil sa natatawa siya sa

![Emergency couple [ Tagalog ]](/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



