"SOFIA, lilinisin natin ang garden ngayon." Inabot ni Alexa ang gulok na hiniram sa matandang kasambahay na si Carmen. "Masyado yata kayong na-engganyo sa hardin na iyon, Señorita." "S-siyempre, sa mama ko iyon. Gusto kong buhayin ang mga halaman na nandoon, gusto kong buhayin ang alaala ni Doña Felistine," saad niya na binuksan ang pintuan ng kuwarto at lumabas. "Señorita, noong isang araw ay hinanap ko kayo sa buong mansion pero hindi kita matagpuan, maging sa hardin ay wala ka, may pinagkakaabalahan ba kayo na hindi ko nalalaman? Maaari mong sabihin sa akin nang makatulong ako."
Huling Na-update : 2020-05-04 Magbasa pa