Abalang gumagawa ng sandcastle si Weine malapit sa dagat. Kalmado ang mga alon habang papalubog na ang Haring Araw. Hindi alintana ang hangin na may kasamang ilang butil ng buhangin ang tumatama sa kanyang mga balat. Basa narin ang suot niyang pambaba dahil katatapos lang din na bumabad sa tubig-alat si Weine. Swimming in the sea and searching for some sea creatures were his favorite past time during summer. Masaya siyang nasa Antique pinili ng kanyang mga magulang na doon nila gulgulin ang buong Summer season. Isa sa mga isla ng Culasi, ang pagmamay-ari nila Doña Felicidad at Don Winiefriedo Villavert o mas kilala bilang Lolo Ising at Lolo Fredo; ang mga magulang ng kanyang ina.
Last Updated : 2020-07-26 Read more