LOGINMaraming magagandang alaala ang umusbong ng bumalik si Weine para kunin ang kanyang mana mula kay Doña Felicidad sa Antique. Isa naroon ang makilala niya ang isang simpleng babae na taga-isla, si Summer na pumukaw sa kanyang natutulog na puso. Mula sa pagiging kaibigan ay humantong sa pag-iibigan ang kanilang relasyon. Ngunit nasira ang ito nang malaman ni Summer na kukunin na ni Weine ang isla para sa pansariling kapakanan kasama na rito ang beach resort na ipinagmanahan niya mula sa kanyang angkan. Mabawi pa kaya ni Summer ang resort pati narin ang kanyang nahulog na puso?
View More"Hintayin mo naman ako, Sir!" Sigaw ni Summer.Umabot na ang kanilang takbuhan sa daungan ng mga pumpboat. Nasa kabilang dako na sila nang isla kung saan makikita ang Mainland Antique. Hingal na hingal na si Summer at tagatak narin ang mga pawis sa kanyang buong mukha. Nauubusan narin siya nang lakas. Dumagdag pa ang pagpasok ng mga maliliit na buhangin sa loob ng kanyang mata. Naging sanhi ito nang kanyang pagkapuwing. Nagsisimula naring maging jelly ang kanyang mga tuhod. Having a poor agility was her greatest disadvantage.Salamat at nadinig naman nang lalaki ang kanya
Nakapangumbaba si Summer habang ipinagmamasdan ang bawat hampas ng kulay aquamarine na alon. Halos patapos na ang Summer Season sa isla ng Maralison kaya pakonti-konti na lang mga turista ang tumatawid gamit ang mga maliliit na pump boat. Kakaalis lang ng kanilang mga guests pabalik sa Mainland Antique.Nilapag ni Vienne ang isang baso na may lamang malamig na buko juice. May nakalagay itong maliit na payong sa gilid at apat na pirasong yelo sa loob nito. Hindi siya pinansin ni Summer. Kaya inilapit Vienne ang baso sa braso ni
Abalang gumagawa ng sandcastle si Weine malapit sa dagat. Kalmado ang mga alon habang papalubog na ang Haring Araw. Hindi alintana ang hangin na may kasamang ilang butil ng buhangin ang tumatama sa kanyang mga balat. Basa narin ang suot niyang pambaba dahil katatapos lang din na bumabad sa tubig-alat si Weine. Swimming in the sea and searching for some sea creatures were his favorite past time during summer. Masaya siyang nasa Antique pinili ng kanyang mga magulang na doon nila gulgulin ang buong Summer season. Isa sa mga isla ng Culasi, ang pagmamay-ari nila Doña Felicidad at Don Winiefriedo Villavert o mas kilala bilang Lolo Ising at Lolo Fredo; ang mga magulang ng kanyang ina.





