Hapon na nang mapagpasyahan ni Kamille na lumabas ng kwarto. Nakaidlip na pala sya at naabutan nya ang isa pang katulong nila na nagluluto ng miryenda para sa mga tauhan ng hacienda."Ma'am gising na pala kayo, hali po kayo't magmiryenda muna," anyaya nito.Bigla syang natigilan nang makita ang miryendang hinahanda nito."Yaya Luring dadalhin mo ba yan sa mga tauhan natin?" tanong nya."Oo Senyorita, oras na ng miryenda nila," sagot naman nito habang inaayos ang pagkakalagay ng mga iyon.Napangiti sya at naisip na magprisinta upang dalhin iyon sa mga tao."Ah, Yaya Luring pwede bang ako na lang ang maghatid nyang miryenda sa kanila?" San
Huling Na-update : 2020-07-28 Magbasa pa