TAHIMIK na pinagmamasdan ng hari ng mga Lobo ang mga bagong silang na alagad na nasa malalim na hukay sa tagong silid sa kaniyang palasyo. Tuwang-tuwa siya sa nakikitang pag-aagawan ng mga ito sa karne na kaniyang ibinabagsak mula sa mataas na bahaging kaniyang kinalalagyan. Umaalingaw-ngaw ang mababalasik na huni ng mga ito, napatigil siya sa ginagawa ng marinig niya ang pagbukas ng pinto mula sa kaniyang likuran. Nagsalubong ang kilay niya, pagkatapos ay agad ang pamumutla nito ng tuluyan na niyang mapagsino ang lalaking mapangahas na pumasok sa pribadong silid na kaniyang kinaroroonan. "Kamusta ka na kaibigan?"bungad nito, kasabay ng pagbabagong anyo nito. Agad na nagpalit ng anyo ang lalaki, humaba ang nguso nito. Tinubuan ito ng mga pangil, matingkad na pulang balahibo ng lobo ang kulay nito. Habang ang mga mata naman nito ay kulay asul. Agad nito
Terakhir Diperbarui : 2020-09-07 Baca selengkapnya