LOGIN
HUNTING KENDRA
(The Last Vampire)
Vampire/Zombie/Wolf Series
Written by: Babz07aziole
Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi.
Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria.
Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyan nagapi at naubos ang mga lahi ng bampira.
Pero iyon ang inaakala ng lahat, dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra--- ang anak ng Hari ng mga bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng bampira.
Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito.
Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra. Dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nangnganib mawasak sa hinaharap...
TAHIMIK na pinagmamasdan ng hari ng mga Lobo ang mga bagong silang na alagad na nasa malalim na hukay sa tagong silid sa kaniyang palasyo.Tuwang-tuwa siya sa nakikitang pag-aagawan ng mga ito sa karne na kaniyang ibinabagsak mula sa mataas na bahaging kaniyang kinalalagyan. Umaalingaw-ngaw ang mababalasik na huni ng mga ito, napatigil siya sa ginagawa ng marinig niya ang pagbukas ng pinto mula sa kaniyang likuran.Nagsalubong ang kilay niya, pagkatapos ay agad ang pamumutla nito ng tuluyan na niyang mapagsino ang lalaking mapangahas na pumasok sa pribadong silid na kaniyang kinaroroonan."Kamusta ka na kaibigan?"bungad nito, kasabay ng pagbabagong anyo nito.Agad na nagpalit ng anyo ang lalaki, humaba ang nguso nito. Tinubuan ito ng mga pangil, matingkad na pulang balahibo ng lobo ang kulay nito. Habang ang mga mata naman nito ay kulay asul.Agad nito
KASALUKUYAN...MATAMANG nakatitig mula sa madilim na kalsada ito, kitang-kita niya ang lalaki na palihim na sumusunod sa dalagang may kausap sa hawak nitong aparato.Nasa itaas siya ng puno ng narra kung saan kasalukuyan siyang nakatayo at pinagmamasdan ang bawat galaw ng lalaki na tila may masamang binabalak sa babaeng sinusundan.Sa isang mabilisang galaw agad na nakalapit ang lalaki sa babae, hindi ito agad nakasigaw dahil mabilis na tinakpan ng lalaki ang labi nitong mamula-mula pa; dahil sa lipstick. Nagpumiglas ito ngunit bigla itong nanigas dahil sa agad itong tinutukan ng lalaki ng patalim sa beywang."Huwag ka ng pumalag, kung ayaw mong isaksak ko itong hawak kong patalim sa'yo!"marahas at may lakip ng gigil na anas ng lalaki. Nagpalinga-linga pa ito, upang masigurong walang tao."P-para mo ng awa k
WAY BACK TWENTY YEARS AGO...PATULOY ang digmaan sa tagong mundo--- ang Acceria, dahil sa ginawang pagmamatigas ng lahing Bampira. Pinamumunuan ito ng Hari na si Marcus, isa sa mga may purong dugo ng bampira sa mundo ng Acerria. Ngunit dahil sa ginawa niyang hindi pakikiisa sa kagustuhan ng dalawang lahi ay sumiklab ang malaking digmaan sa Acerria. Pinangunahan ito ng hari ng mga Zombie at ng mga Lobo. Nagkaisa ang dalawang magkaibang lahi na pagsamahin ang kanilang kaharian--- na tinatawag ngayong Zowol. Nagkaisa ang mga itong ubusin at tuluyang pabagsakin nang tuluyan ang kanilang lahi."Walang ititira sa mga lahi ng bampira!"marahas na sigaw ng Hari ng mga lobo na si Zandrew. Marahan niyang inilibot ang nagbabagang mga mata, tila may hinahanap sa kalagitnaan ng labanan.Nagkalat sa paligid ang hiwa-hiwalay na katawan mula sa mga kasamahang Zombie at Lobo, maski sa mga kaaway nilang bampira. Umaalin
MULA sa malayo kitang-kita ni Kendra si Timothy. Nakatayo ito mula sa gilid ng baybayin, kung saan tanging ang bilog na buwan lang ang tumatanglaw sa payapang dagat sa gabing madilim.Ang magaslaw na alpas ng alon ay nakakadagdag ng misteryo sa buong paligid. Nanatili lamang nakatanaw ang dalaga sa binata, hindi niya alam kung lalapitan ang lalaki o mananatili lamang siyang nakatanaw buhat sa malayo rito. Mababanaag sa napaka-guwapong mukha nito ang kalungkutan. Ramdam niyang may malalim itong pinagdadaanan ngayon.Nag-umpisa siyang humakbang palapit kay Timothy, ngunit agad din siyang natigilan nang buhat sa malayo ay nagtama ang kanilang paningin. Tuluyan siyang nabatubalani sa titig nito mula sa mata nitong mala-asul."Come near baby, wanna join me?"tanong nito kay Kendra. Ang tinig nito ay nagbigay ng kakaibang damdamin kay Kendra.
HUNTING KENDRA(The Last Vampire)Vampire/Zombie/Wolf SeriesWritten by: Babz07azioleIlang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi.Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria.Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa