NAPABALIKWAS ng bangon si Phoebe sa kinahihigaan, rinig niya ang malakas na pintig ng kanyang puso kasabbay ng paghahabol ng kanyang hininga. Wala sa sariling nahagod niya ang dibdib nanginginig ang mga kamay niya, tumatagaktak ang kanyang pawis sa kabila ng malamig na hangin sa pumapasok mula sa capiz na bintana. Mariin siyang napapikit kasabay ng marahas na pagbuga ng hangin, kailangan niyang kumalma kaysa matakot sa mga nakikita niya sa kanyang panaginip.
Last Updated : 2020-07-29 Read more