Tokyo, Japan.... Two Years AgoThird Person's POV It was dark. Tanging ilaw lamang mula sa incandescent light ng warehouse ang nagsisilbing liwanag nila. Anim lamang sila samantalang tatlumpu ang mga kalaban nila. 'Ano laban na?' tanong niya sa kabilang grupo. 'Eh, ang angas pala ng mga 'to Boss eh,' ani kanang kamay ng nasa kabilang grupo. 'Arch, tayo na wag mo ng patulan,' turan ng kanyang half-brother na hinawakan siya sa balikat. 'Kung naduduwag ka, umalis ka,' seryosong wika niya. Ayaw na ayaw niya sa lahat ay umuurong sa laban. Dahil sa sinabi nito, nagsimulang umatake ang kabilang grupo. They were outnumbered at kulang pa sila sa experience para sa kagaya nitong gang fight. Arch look at his brother. Walang kahirap-hirap itong nakikipagsuntukan sa kalaban nila. Tiningnan niya ang ibang kasama.
Terakhir Diperbarui : 2020-07-29 Baca selengkapnya