''Sirena... Ang tawag sa amin. Bakit ako nag-iisa? Ano ba ang papel ko sa mundong ito? Bakit ako isinilang na sirena? Wala akong maalala na kahit ano. Basta ang alam ko, pagmulat ng mata ko ay narito na ako sa ilalim nang madilim na dagat. Tanging naririnig lang ang awit ng mga katulad ko. Gaano na ba katagal akong narito? Hindi ko rin alam. Ano ba ang pangalan ko? Ah, alam ko na... para itong musika sa aking isipan na lagi kong naririnig. Melodia... tama, ang pangalan ko'y Melodia. '' ⚫ Kakaiba ang aming itsura sa ibang sirena. Ang mga sirenang ipinanganak na may pagmamahal sa dagat. Mas maikli ang kanilang buntot, wala silang palikpik sa likod ng buntot at likuran. Ang hasang nila'y sa leeg at hindi rin sila marunong kumanta. Malaya sila sa dagat walang kailangang makuha para mabuhay. Ang pagkain ng halamang dagat, maliliit na isda ay sapat na para s
Last Updated : 2020-07-29 Read more