Mag-log inSi Melodia ay nilalang sa ilalim nang madilim at malawak na dagat. A heart full of hatred mula sa mga taong mapagtanim ng puot, selos at kasakiman ang nagsisilbing buhay nila ngunit dahil sa isang insidente ay hindi niya inaasahang ang pagliligtas sa isang tao ay may kaakibat na epekto. Ang kanyang buntot ay naging paa at sa taong 'yon naman ay naging buntot. Ngayon nga'y ang simpleng sitwasyon naging sumpa ang dulot. Naiwan sa lupa si Melodia at ang tao'y isinama sa ilalim ng dagat. Wala siyang ideya kung paano mamuhay bilang isang tao pero salamat kay Indigo na siyang nakakita sa kanya ay nagawa siyang tulungan. Sa mga araw na lumipas ay hindi inaasahan ni Melodia ang muling pagbabalik ng taong minsan na niyang iniligtas. Sa pagbabalik niya'y nais na nitong muling mabawi ang mga paa ngunit may isang problema. Hindi ang alam ni Melodia kung paano.
view moreSuot ko ngayong araw ang unipormeng kinuha namin sa Kraken's Tailoring. Kahit na kumakabog ng malakas ang puso ko ay kailangan ko pa ring humarap sa mga taong mamaya lang ay pupunta rito. Nakaupo man ako rito sa harap ng counter at may hawak na tray ay pasulpot-sulpot sa isip ko ang nangyari no'ng gabing 'yon. ''Bakit basang-basa kayo? Anong ginawa n'yong dalawa?'' Napalingon kami nang magtanong si Indigo.''Nag-night swimming?'' Patanong na sagot naman ni Maron.''Talaga?'' Nakakaloko namang sabi ni Indigo. Namulsa siya at ngumiti. Ang ngiti niyang isang side lang ng kan'yang labi ang kumurba.
Gabi na, madilim na rin dito sa attic na sabi nga no'ng lalaki kanina. Nakadungaw naman ako sa bintanang maliit, nakatungtong ako sa upuan para makita ko ang labas. Meron namang ilaw sa tapat nitong bintana pero hindi gano'n kaliwanag. Sumasayaw ang mga sanga ng puno sa labas dahil sa ihip ng hangin. Paisa-isa na ring nagpapakita ang mga bituin sa kalangitan. Ang buwan, oo ang buwan. Muntik ko ng makalimutan ang kabilugan nito. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Nag-aalala ako kung anong mangyayari sa isang sirenang nasa lupa kapag bilog ang buwan. ''Maron, ano 'yong mahabang pader do'n? Nakikita ko kasi ang hampas ng dagat.'' Napalingon ako sa kan'ya na karga ang alaga niyang pusa.''Seawall ang tawag do'n, pang-harang sa dagat. Pinoprotektah
Nakatayo kami ni Maron sa harap ng kulay berdeng gate. May kaunting sanga at halamang nakapulupot dito. Hindi ko matanaw ang loob dahil sa mataas ito pero nakauwang naman ang maliit na pinto sa gate. Matataas ang mga puno sa paligid sa loob na may mgailang ibon na nagsisiliparan. Hindi ko makita ang langit dahil sa mayabong na mga sanga noto. Hindi ko man alam ang pangalan ng mga puno pero hitik sa bungang prutas na kulay dilaw. 'Ano kaya 'yon?'''Bakit hindi pa tayo pumasok sa loob?'' tanong ko kay Maron na nakapamulsa lang at walang imik. Nakatingin lang siya sa gate na parang may malalim na iniisip.Kinalabit ko siya. ''Maron,'' tawag ko uli sa kan'ya.
Natigilan ako sa sinabi ng lalaki sa harap ko na nagkaroon muli ng buntot. Maging ako ay walang maintindihan sa mga nangyayari, ang gulo... sobrang gulo. Napasabunot tuloy ako sa buhok ko habang pinagmamasdan ang buntot niyang gumagalaw. ''Hindi sinabi ni Sachiel na tutubuan pa rin ako ng buntot kapag nabasa ang mga paa ko, lintek na buhay 'to!'' Nasuntok niya ang tubig, pero dahil sa hindi naman iyon matigas na bagay ay lumikha iyon ng malakas na tunog. Halos umangat ang balikat ko dahil sa gulat.''Ako si Maron, Maron Mauve.'' Natigilan ako't napatingin sa kan'ya. Nagpakilala siya sa akin nang hindi ko inaasahan at sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, may kung anong kumukurot sa puso ko dahil sa kan'ya.