"AKO ang kinakabahan sa ginagawa mo, Anastacia. Pinag-isipan mo ba talaga 'yan?""No choice na ako, bff.""Paanong no choice? Puwede ka pang umatras. Una, hindi ka naman pala desidido. Pangalawa, mas lalo namang hindi desidido si Carlo."Napatingin siya rito. "Tingin mo?"Umikot ang eyeball ni Chikki. "Ano ka ba naman? Aba'y nagsisimula pa lang dumiga 'yung tao, gusto mo nang magpatanan!""Tanan?" kunot-noo niyang sabi."Tan-ji-a ka, 'day! Tanan as in elope!""At 'yung tan-ji-a, tanga ang ibig sabihin noon, di ba? Excuse me, hindi ako tan-ji-a!"
Last Updated : 2020-07-30 Read more