Arietta's POV Dumating ang mga araw na napapansin ko na umiiwas na si Steven sa akin. Katulad kahapon, gusto ko sanang humingi sa kaniya ng tawad pero hindi niya ako pinapansin. Kahit magkatabi kami sa upuan ay parang napakalayo ko sa kaniya. Kanina namang umaga ay maaga siyang pumasok, pagkarating ko sa room ay siya pa lang ang naabutan ko. Hindi niya kasama sila Kuya at sa tingin ko pati sila ay iniiwasan nito. Nadatnan ko pa siyang may kausap sa cellphone kanina, ni hindi niya nga napansin ang pagdating ko at pag-upo sa tabi niya, masyado siyang busy sa kausap niya. Hindi na rin akong nag-abala pang pakinggan ang pinag-uusapan nila. Hanggang ngayon wala pa ring progress. Wala yata siyang balak pansinin ako hanggang matapos ang school yea
Last Updated : 2020-08-01 Read more