O, heto na nga ang moment of truth. Nakaraos na naman ang gabi ni Randy. Kaya kailangan niyang tuparin ang napagkasunduan nila ni Amanda. Kaya naman kinaumagahan, sa dati nilang tagpuan - sa park, nauna ng dumating si Amanda at naupo roon. Hinihintay ang pagdating ni Randy. 30-minuto na ang nakalilipas at wala pa siya. Naiiyak na si Amanda sa naiisip niya na baka hindi na siya talaga sisiputin ni Randy. At hinding hindi na siya makikipagkita pa sa kaniya, kahit kailan. Napapaisip na rin siya sa mga sandaling iyon kung paano na lang sila ng kaniyang dinadala. Paano na lang ang kaniyang buhay pag-ibig. Ngunit ilang sandali pa ang lumipas at natanaw na niya sa malayo ang paparating na si Randy. Muling nagkaroon ng buhay sa puso si Amanda. Muli ay nakaramdam siya ng sigla. Nanumbalik ang kaniyang matamis na ngiti at ang pananabik na makita at mayakap muli ang kaniyang sinta. May dala-dalang dalawang siopao si Randy, pa
Last Updated : 2020-07-31 Read more