LOGINO, heto na nga ang moment of truth. Nakaraos na naman ang gabi ni Randy. Kaya kailangan niyang tuparin ang napagkasunduan nila ni Amanda. Kaya naman kinaumagahan, sa dati nilang tagpuan - sa park, nauna ng dumating si Amanda at naupo roon. Hinihintay ang pagdating ni Randy. 30-minuto na ang nakalilipas at wala pa siya. Naiiyak na si Amanda sa naiisip niya na baka hindi na siya talaga sisiputin ni Randy. At hinding hindi na siya makikipagkita pa sa kaniya, kahit kailan. Napapaisip na rin siya sa mga sandaling iyon kung paano na lang sila ng kaniyang dinadala. Paano na lang ang kaniyang buhay pag-ibig. Ngunit ilang sandali pa ang lumipas at natanaw na niya sa malayo ang paparating na si Randy. Muling nagkaroon ng buhay sa puso si Amanda. Muli ay nakaramdam siya ng sigla. Nanumbalik ang kaniyang matamis na ngiti at ang pananabik na makita at mayakap muli ang kaniyang sinta. May dala-dalang dalawang siopao si Randy, pa
Kaya naman si Edna medyo nag seselos, kasi hindi na siya masyadong pinapansin ni Amanda. Puro na lang si Randy, Randy, Randy ang inaasikaso niya. Pag wala si Randy ayun nakatutok siya sa kaniyang phone na halos itutok na niya ang kaniyang mga mata sa screen. Kung hindi busy ang kaniyang mga daliri sa kapipindot sa keypad ng kaniyang phone ay busy naman ang kaniyang bunganga sa kakasalita, daig pa niya ang mga call center agents kumbaga.Dahil dito ay napansin na nga ni Edna ang malalim na ugnayan or somewhat relasyon ng dalawa. Kaya naman naisipan niya na kumprontahin ang kaniyang matalik na kaibigan. Nung mapansin niyang nag-iisa na lamang si Amanda sa table ay agad niya itong nilapitan at tinabihan. That time busy na naman ang kaniyang mga d
Madali lang sa tao ang magsabi ng mga bagay bagay patungkol sa kaniyang pananaw sa isang bagay, sa isang tao, sa isang lugar o sa isang pangyayari. Sa aking palagay nga ay normal na ito sa mga tao, ang manghusga. Minsan sa buhay natin, nakapagbibitiw tayo ng mga salita; mga masasakit na salita o kaya naman ay mga salitang mapanlait. Hindi na natin iniisip ang mararamdaman nung tao. Madali lang sa atin ang magsalita ng mga ganitong mga bagay-bagay sa iba sa kadahilanang hindi natin lubos na kilala ang taong punto ng ating opinyon. Marahil nga ay ganiyan talaga ang buhay. Hindi ba natin naiisip na baka wala na talaga silang pagpipilian kundi gawin ang bagay na iyon dahil walang pinag-aralan ang tao at kailangan ng kaniyang pamilya ng pera para mab