Abbygail's P.O.V. "Oh, Manang. Bakit ho ganiyan kayo kung maka ngiti?" "Ngayon lang kase kita nakitang ngumiti ng gano'n," sagot nito. Natigilan ako. "Ano hong ibig-sabihin niyo?" Takang tanong ko. "Wala naman, ija. Nasanay lang siguro akong palaging nakalukot 'yang noo mo o 'di kaya'y walang ekspresyon. Kaya siguro parang may iba sa mga ngiti mo," paliwanag pa nito. Tama siya. Magmula no'ng umalis si Mom at namatay si Dad ay minsan na lang ako ngumiti. Kadalasan ay peke pa. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko nginitian si Bryce kanina. Pero alangan namang sumimangot ako? Ang sagwa naman no'n 'di ba? "Siya nga pala Manang, hindi po ako magdi dinner dito," pag-iiba ko ng usapan. Taka itong tumingin sa'kin. "At saan ka naman kakain kung gano'n?" "Diyan lang ho sa tabi." "Sinong kasam
Last Updated : 2020-08-01 Read more