Makalipas ang limang taon mula nang mamatay ang asawa ni Russel ay inabala niya ang kanyang sarili sa pagpapatakbo sa kanyang negosyo. Kadalasan ay nasa rancho lamang siya at inaabala ang sarili sa pag-aalaga sa mga kabayo niya na sina Juban, Kukoy, Lira at Sulvan. Ini-import niya pa ang mga ito mula sa Thailand. Ang kanyang paborito ay si Kukoy, dahil matulin itong tumakbo. Hindi tulad ni Juban na maiinitin ang ulo tulad niya. Madalas na sumusumpong ito at hindi niya mapatakbo. Ang kanyang rancho ay nasa gitna ng Magsaysay Fiero bayan ng Tarlac. Maganda ang lugar na ito. Binili niya ito sa mag-asawang nag-migrate sa ibang bansa. Nagpatayo rin siya ng mansion nila ni Feya sa lugar na ito. Gusto kasi niyang mamuhay na kasama lang si Feya at ang mga alaala ni Filomena. Ang kanyang namayapang asawa. Lumipas man ang maraming taon ay sariwa pa rin ang alaala ni Filomena sa kanyang isipan. Ang kanilang masa
Última actualización : 2020-08-02 Leer más