LOGIN
Makalipas ang limang taon mula nang mamatay ang asawa ni Russel ay inabala niya ang kanyang sarili sa pagpapatakbo sa kanyang negosyo. Kadalasan ay nasa rancho lamang siya at inaabala ang sarili sa pag-aalaga sa mga kabayo niya na sina Juban, Kukoy, Lira at Sulvan. Ini-import niya pa ang mga ito mula sa Thailand.Ang kanyang paborito ay si Kukoy, dahil matulin itong tumakbo. Hindi tulad ni Juban na maiinitin ang ulo tulad niya. Madalas na sumusumpong ito at hindi niya mapatakbo.Ang kanyang rancho ay nasa gitna ng Magsaysay Fiero bayan ng Tarlac. Maganda ang lugar na ito. Binili niya ito sa mag-asawang nag-migrate sa ibang bansa. Nagpatayo rin siya ng mansion nila ni Feya sa lugar na ito. Gusto kasi niyang mamuhay na kasama lang si Feya at ang mga alaala ni Filomena. Ang kanyang namayapang asawa.Lumipas man ang maraming taon ay sariwa pa rin ang alaala ni Filomena sa kanyang isipan. Ang kanilang masa
Prolouge"You are the one that never let me sleep. Into my mind down to my soul you touch my lips. Your the one that I can't wait to see..."Kinakantahan ko ang aking asawa. Habang minamaneho ang kotse namin pabalik sa aming bahay. Isang taon na kasi ang lumipas mula no'ng maging kami at pinakasalan ko siya. Pagkatapos ay nagsilang na siya ng aming unang anak. Na kasing ganda ng aking asawa."Ikaw talaga, lalo akong kinikilig.""Pinangako ko sayo 'di ba napakikiligin kita habambuhay?"Hinawakan ko ang kamay niya at hinagkan iyon.Umuulan ng araw na iyon. At dahan-dahan lamang ang pagmamaneho ko dahil sa paliko-likong kalsada.&