LUTANG at wala sa mood na pumasok si Ursula sa kanilang silid. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi. Iniisip niya kung saan magsisimula sa paghahanap ng kaniyang dating nobyo. AgadAgad naman siyang sinalubong ng tatlo niyang kaibigang makukulit lalo na ang isa na nagngangalang Goldilocks. Tunog cake pero hindi naman sweet!"Magandang Umaga! Bitchfriend" pagbati ni Goldilocks na medyo pang-aasar ang dating."Shut up! Walang maganda sa umaga." sagot nito medyo bad-trip dahil sa walang mood."May maganda naman, Bes! Sadyang bulag ka lang sa beauty ko." sagot naman ni Goldilocks sabay irap sa mata."Talaga? Ituro mo nga sa akin kung saan banda. Hindi ko kasi nakita, e!" tugon ni Ursula na asar na asar na kay Goldilocks."Wow! Hiyang-hiya naman kami sa beauty mo, teh!" alaskang saad ni Kitkat. Kaibigang tunog chocolate!"Kung maganda ka, mas maganda ako!" dagdag ni Goldilocks sabay lagay ng make-up.
Huling Na-update : 2020-08-04 Magbasa pa