LOGINPagkatapos bumili ng makakain si Red ay nagmadali siyang bumalik sa loob ng silid-aklatan. Pagdating niya ay agad pumunta siya sa kinau-upuan ni Ursula kanina. Ngunit laking pagtataka niya ng makitang wala na ito sa inuupuan at tanging lumang libro lamang na nakasarado ang naiwan sa mesa nito. Nagtaka siya kung bakit nawala ito. Alam niyang hindi basta-basta iyong umaalis at kung aalis man ay hindi ito ugaling mag-iwan ng aklat. Napansin niya rin ito na dalawa lang ang lugar na pupuntahan dito sa paaralan. Library at Cafeteria lamang iyon. Sigurado siyang wala sa Cafeteria sapagkat doon siya galing. Nag-isip ng malalim si Red. Siguro nga'y may emergency na nangyari. Kung kaya't naiwan nito ang aklat. KASALUKUYANG naglalakad si Ursula s
Akala ni Ursula na matatapatan siya kanina ni Dulcedita ngunit mas magaling pala talaga siya nito. Isang ngiti na naman ang sumilay sa labi niya. Pumunta siya sa kaniyang paboritong tambayan, walang iba kundi ang silid-aklatan. Natawa na lang si Ursula nang malaman ang inihandang surpresa ng guro nila."Research is definitely easy to her. As easy in her past projects." Isip-isip ni Ursula habang inilagay niya ang kaniyang bag sa mesa. May naisip na siyang paksa. Isang paksa na palagay niya ay madaling-madali lang sasagutan at isaliksik. Ang kaniyang paksa ay tungkol sa Wikang Filipino: Ang Pagbabago sa Kasalukuyan. Agad na naghanap siya ng mga aklat na makatutulong sa kaniyang pananaliksik. May internet naman kaso mas pinili niya ang aklat dahil ang mga aklat ay mapagkakatiwalaan at totoo. Hindi katulad ng internet na mayroon nga'ng totoo pero bibihira lang kasi laganap ang copy-cat
LUTANG at wala sa mood na pumasok si Ursula sa kanilang silid. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi. Iniisip niya kung saan magsisimula sa paghahanap ng kaniyang dating nobyo. AgadAgad naman siyang sinalubong ng tatlo niyang kaibigang makukulit lalo na ang isa na nagngangalang Goldilocks. Tunog cake pero hindi naman sweet!"Magandang Umaga! Bitchfriend" pagbati ni Goldilocks na medyo pang-aasar ang dating."Shut up! Walang maganda sa umaga." sagot nito medyo bad-trip dahil sa walang mood."May maganda naman, Bes! Sadyang bulag ka lang sa beauty ko." sagot naman ni Goldilocks sabay irap sa mata."Talaga? Ituro mo nga sa akin kung saan banda. Hindi ko kasi nakita, e!" tugon ni Ursula na asar na asar na kay Goldilocks."Wow! Hiyang-hiya naman kami sa beauty mo, teh!" alaskang saad ni Kitkat. Kaibigang tunog chocolate!"Kung maganda ka, mas maganda ako!" dagdag ni Goldilocks sabay lagay ng make-up.
"Kailan itinatag ang Katipunan?""July 07, 1892""Anong sakit ang ikinamatay ni Emilio Jacinto?""Malaria" Kasalukuyang nag-uunahan sa pagsagot ang magkaklaseng si Ursula at ang transferre na si Dulcedita. Simula nang dumating si Dulcedita sa klase nila, dumoble ang pagiging competitive nito. Mas nagiging pala-aral at hindi nagpapahuli sa klase."No one can steal her throne..." Iyan ang paniniwala sa sarili ni Ursula. Alam niya sa sarili niyang matalino si Dulcedita pero mas matalino pa rin siya nito. At alam niyang sa huli nasa kanya pa rin ang huling halaklak."Bilib na talaga ako sa katalinohan niyong dalawa. I salute both of you!" saad ng guro nila sa Filipino na si Binib
Nag-aaral sa Pillar High School si Ursula Manabat. Siya ay nasa ikalabin-dalawang baitang na ngayon. Lingid sa kaalaman ng mga kaklase niya na siya ay isang mapanuri sa lahat ng bagay. Gusto niyang malaman kung saan at kailan nagsimula ang mga bagay-bagay na naririnig at nahahagip niya sa araw-araw. Kilala rin siya sa buong campus bilang consistent first honor at higit sa lahat ang pagiging maldita nito. Si Ursula ay napaka-competitive pagdating sa academics. Gusto niya siya lang ang palaging nasa top. Kaya sobrang inis niya nang may nag-transfer sa klase nila. Iyon ay si Dulcedita. Matalino rin kagaya niya pagdating sa academics at may itinatagong pagiging maldita rin. Laking inis ang naramdaman niya dahil may aagaw sa pwesto niya. Pero may tiwala pa rin si Ursula sa sarili niya na mas matalino at hindi kayang pantayan n