Nakatayo sa gitnang bahagi ng bar si Rossvien, Iwas sa mga mata ng customer na pinag papantasyahan siya. Isa siyang waitress at napag usapan na nila ng manager ng bar na ito na may isang tao lang siyang ise serve sa gabing ito. Siguradong malaki ang kikitain nila sa ganitong paraan. Pero ang ipinagtataka niya ay bakit siya naka suot ng damit tulad ng sa mga dancer? Sa limang taon na pagtatrabaho niya dito, ito ang kauna unahang pagkakataon na nag suot ang waitress ng ganitong damit. Isang short shorts at tube. Nagtataka man ay patuloy parin siyang tumayo roon at hinintay ang bibili sa kaniya. "Punta ka na sa VIP ROOM #3" bulong sa kaniya ng manager niya kaya naman bumaba na siya ng hagdan at pinuntahan ang kwartong sinabi nito. Alam na niya na isang matandang lalaki ang pagsisilbihan niya ngayon dahil yon ang kausap kanina ng manager niya.
Last Updated : 2020-08-04 Read more