Cyllene POV"Haaay..."Hindi ko na mabilang kung ilang buntong-hininga na ang pinakawalan ko sa kwarto ko. Kulang na lang ay balutin ako ng carbon dioxide rito dahil sa dami ng iniexhale ko. This is the most boring Christmas vacation ever! Sinubukan kong kunin ulit ang Calculus na libro ko ni Feliciano and Uy pero nakakailang minutong basa pa lang ako, pakiramdam ko'y antok na antok na ako. Para akong nagbabasa ng isang libro na may kakaibang lenggwaheng hindi ko maintindihan. Bakit ba ganito kakumplikado ang math? In the first place nga naman, bakit ako nag-STEM? Paano ako pumasa sa exam sa strand na 'yon eh halos nag-eenie mennie minee mo lang ako no'n sa math?Sinubukan kong mag-isip ng positive thoughts habang nagbabasa pero wala, walang napasok sa utak ko. Ayaw niya iabsorb ang x and y at kung ano-ano pang variable! Mapili ang utak ko at one plus one lang daw ang gusto! Charot 1/2!Noon, kapag ganitong three
Last Updated : 2020-08-04 Read more