PAUL'S POV: Nakatingin lamang ako kay Callix.Nakahiga siya sa tiyan ko habang nakapikit.Samantalang ako naman ay marahang sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking kamay.Napakalambot nito,walang sabid-sabid na mga buhok.At amoy ko rin kung gaano kabango ang buhok niya.Sobra talaga niyang inaalagaan ang katawan niya.Kaya sobrang puti niya.Hiya ako sa balat ko.Maputi rin naman siya ngunit hindi katulad ng sa kanya. "Paul" tumigil muna ako saglit sa pagsusuklay sa buhok niya.Tiningnan ko siya nang nagtataka."Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo?hindi ka ba nadidiri----"hinalikan ko agad siya sa kanyang labi.Ito lamang ang paraan ko upang matigil siya sa sasabihin niya.Pansin ko ang pagpikit niya at sa huli napadilat rin ng mata.Nagtatanong kung bakit ko iyon ginawa.
Last Updated : 2020-08-04 Read more