"Ouch!" Napalingon ako kay Heaven nang marinig ang daing nito at kaagad namang nagtungo si Hell sa kinaroroonan nito sa kusina."I told you, careful." Nakakatuwang pagmasdan ang dalawang sweet sa isa't isa. Halos wala ng paglagyan ang bahay ko sa dami ng langgam na umaaligid sa kanila. O, e di sila na ang may lovelife at ako na ang single forever. Anim na buwan na rin ang pananatili nilang dalawa sa bahay at buhay ko. Amg masasabi ko lang ay masaya akong makasama silang dalawa, iyon nga lang likas talaga kay Hell ang pagiging mainitin ang ulo. Ipinagpapasalamat ko na lang na nandiyan pa rin si Heaven, kahit isa na siyang mortal ay nananatili pa ring anghel sa buhay ko. Sa anim na buwan na iyon ay unti-unti ko na ring natanggap ang pagkawala n
Last Updated : 2020-08-05 Read more