"Chianna! Anong oras na? Late ka na naman!"Napaigtad ako dahil sa malakas na sigaw ng may-ari ng restaurant kung saan ako nagpapart-time job. Minsan talaga nagkakaroon ng conflict ang oras ng pasok ko dito sa schedule ng klase ko. Alam naman niyang working student ako, pero ayaw niya akong bigyan ng consideration minsan. O, baka dahil sadyang mainit talaga ang dugo niya sa akin kaya ayaw niya akong intindihin."Pasensya na po ma'am, marami lang po talaga kaming tinapos na activities sa school. Hindi ako makaalis hanggang hindi po natatapos 'yon," paliwanag ko. "Kung gusto niyo po, i-extend niyo na lang po ang shift ko. Kahit wala na pong bayad ang overtime ma'am.""8 p.m ang start ng shift mo! 30 minutes kang late! Aba! Napaka-swerte mo naman, ako pa ang mag-aadjust?" pagbubunganga pa nito kasabay ng pagduro-duro niya sa akin.Napayuko na lamang ako habang magkasiklop ang dalawa kong kamay sa likuran. Kung wala lang talaga akong respeto sa
Last Updated : 2020-08-09 Read more