Home / All / 3 Faces of Love: Chianna / Chapter 1 - Jobless

Share

Chapter 1 - Jobless

Author: Nekohime
last update publish date: 2020-08-09 10:13:57

"Chianna! Anong oras na? Late ka na naman!"

Napaigtad ako dahil sa malakas na sigaw ng may-ari ng restaurant kung saan ako nagpapart-time job. Minsan talaga nagkakaroon ng conflict ang oras ng pasok ko dito sa schedule ng klase ko. Alam naman niyang working student ako, pero ayaw niya akong bigyan ng consideration minsan. O, baka dahil sadyang mainit talaga ang dugo niya sa akin kaya ayaw niya akong intindihin.

"Pasensya na po ma'am, marami lang po talaga kaming tinapos na activities sa school. Hindi ako makaalis hanggang hindi po natatapos 'yon," paliwanag ko. "Kung gusto niyo po, i-extend niyo na lang po ang shift ko. Kahit wala na pong bayad ang overtime ma'am."

"8 p.m ang start ng shift mo! 30 minutes kang late! Aba! Napaka-swerte mo naman, ako pa ang mag-aadjust?" pagbubunganga pa nito kasabay ng pagduro-duro niya sa akin.

Napayuko na lamang ako habang magkasiklop ang dalawa kong kamay sa likuran. Kung wala lang talaga akong respeto sa mga matatanda, baka naubos na ang pasensya ko sa taong 'to. 

"Mabuti pa maghanap ka na ng bagong trabaho! Hindi pwede sa restaurant ko ang tatamad-tamad na tulad mo!" bulyaw pa nito.

Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Ma'am naman, baka pwede pa natin mapag-usapan 'to? Huwag niyo naman po akong tanggalin. Marami po kasi akong bayaran sa school tapos may renta pa ng bahay. Promise! Last na po talaga 'to, hindi na mauulit," pagsusumamo ko.

"Talagang hindi na mauulit dahil wala ka ng trabaho! Tanggal ka na! Lumayas ka na sa restaurant ko. At wala akong pakialam sa bayaran mo!"

Napakagat na lang ako sa ibabang bahagi ng labi ko habang pinagtatabuyan niya ako. Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga customer.

Lulugo-lugo akong naglakad palabas ng restaurant na tila may mabigat na pinapasan sa balikat ko.

"Kabadtrip talaga!!!!"

Idinaan ko na lang sa isang malakas na pagsigaw ang lahat ng inis na nararamdaman ko. Napapatigil tuloy sa paglalakad ang mga nakakasalubong ko pero hindi ko na sila pinansin.

Napakahirap pa naman maghanap ng trabaho ngayon. Kung sana lang ay lumaki akong may magulang, siguro hindi ako mahihirapan ng ganito.

I grew up in Sweet Angels Orphanage here in the city of Mariano since I was 7 years. Originally, taga-Naga kami. Doon nakatira ang mga magulang ko, pero pagkapanganak sa akin, lumipat kami dito sa Mariano. Nandito kasi ang mga kamag-anak ng tatay ko.

My mother died after giving birth 'to me. Since then, naging alcoholic na ang tatay ko. Hindi man niya ako napagbubuhatan ng kamay, pero dahil sa pagiging lasenggo niya, napabayaan niya ako. Natanggal din siya sa trabaho dahil sa bisyo niyang 'yon.

And months after I turned 7, he died because of liver cancer. Wala rin naman kaming perang pangpagamot noon, kaya lumala nang lumala ang sakit niya. 

Nang mamatay ang papa ko, walang may gustong kumupkop sa akin. So in the end, iniwan ako ng mga kamag-anak ni papa sa bahay-ampunan at doon lumaki. Nang kaya ko nang magbanat ng buto, I left the orphanage at the age of 15, so I can finally spread my wings and fly on my own. Maaga akong namulat sa hirap ng mundo.

I'm a scholar since elementary until now that I'm already on my 4th year in college at Vanderbilt University. It was a private school at puro rich kid ang halos na nag-aaral do'n, but they're offering scholarship para sa nga kapos na tulad ko. I am taking B.S Tourism at pursigido talaga akong makatapos ng pag-aaral.

Mahirap, pero kailangan kong kayanin. Wala naman akong ibang aasahan kundi ang sarili ko lang. After all, I am Chianna Jimenez and I know, I'm amazing.

***

Kinabukasan, wala akong ibang inatupag kundi ang maghanap ng trabaho sa diyaryong binili ko kaninang umaga. Wala na kasing naka-paskil na mga part-time job sa bulletin board ng university namin, kaya sa diyaryo na lang ako nagbabaka-sakali. Kaso mukhang minamalas ako, puro full time job naman ang nandito.

"Chianna, tama na 'yan. Kumain ka muna."

Suway naman sa akin ni Jazz pero nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. We were sitting on our favorite spot at the cafeteria. It's lunch time already pero hindi pa rin ako nakakabili ng pagkain. I was busy scanning the classified ads.

Bahala na, mamaya na lang siguro ako kakain.

"Akin na nga muna 'yan!"

Hindi na ako nakapag-reklamo nang biglang inagaw ni Jazz ang dyaryo sa kamay ko. She hide it inside her bag so I just gave her a deadly glare.

"There! I finally got your attention," she smiled.

She didn't even budge kahit ang sama-sama na ng tingin ko sa kanya. She put a plate of my favorite carbonara in front of me. Siya na pala bumili ng pagkain para sa akin.

"Kumain ka muna," masuyong utos niya. Tinusok niya ng straw ang tetra pack ng Moo chocolate drink na binili niya para sa akin bago ilapag sa harap ko. Isa rin to sa mga favorite ko.

"Thanks," I smiled at her sweet gesture. Nawala bigla ang inis ko.

Ano pa ba ang aasahan ko? I really have a soft spot for her. Magaling kasing maglambing ang loka kapag nakikita niyang naiinis ako.

"Para saan pala 'yon?" she asked, referring to the newspaper.

"I'm looking for a new job. Baka may part-time diyan, so give me back my newspaper," sabi ko na lang at inilahad ang kamay ko sa harap niya. 

I don't have all the time in the world to fool around. Kailangan ko agad makakuha ng part-time job, pronto!

"Okay, okay pero kuma—"

"Anong nangyari sa part-time job mo?" James suddenly interjected.

May bitbit siyang tray na naglalaman ng mga pagkain niya. Punong-puno ang tray niya. Ang takaw talaga.

Umupo siya sa tabi ni Jazz at panay ang pangungulit sa akin na magkwento.

"Natanggal ako sa trabaho," sagot ko saka hinalo-halo ang carbonara ko.

"Bakit?" It was Jazz.

"Late ako. Ang daming beses na, kaya nabadtrip na 'yung boss ko sa akin."

"Ang sabihin mo, napaka-sungit talaga niyang matandang dalagang boss mo. Alam naman niyang working student ka, pero ang binigay niyang schedule sa'yo hindi flexible," inis na sambit ni Jazz.

"O, ang puso. Hinay lang," pang-aalaska naman ni James. He has a wide grin on his face. Mukhang siraulo talaga.

Inabutan niya si Jazz ng C2 na ininuman na niya. Imbes na magpasalamat, mukhang lalong nainis lang 'yung isa.

"Ayoko niyan, may laway mo na."

"Arte. Parang hindi tayo tropa, ah!" James retorted.

And in that moment, I saw how Jazz's face contorted in a deep frown, mumbling incoherent words that only she can hear.

Sometimes I feel bad for Jazz. Matagal na niyang gusto si James pero hindi naman makaramdam ang huli. Ang hirap talaga ma-stuck sa friend zone tapos napaka-manhid pa ng taong gusto mo. Lumaklak ata ng anesthesia si James.

"Anyway, bakit hindi ka na lang magpatulong kina Rena at Charmelle? For sure naman, hindi ka bibiguin ng dalawang 'yon," Jazz suggested.

I instantly shook my head. "Nakakahiya. Ang dami nang naitulong sa akin ng dalawang 'yon. Hindi naman pwedeng habang-buhay na lang akong umasa sa kanila."

Charmelle and Rena are the daughters of the most powerful family in this city. Naging magkakaklase kami noong highschool. Kahit pa iba ang status ng buhay ko kung ikukumpara sa kanila, hindi naging hadlang 'yon para maging mabuti kaming magkakaibigan. Kahit magkakaiba kami ng university na pinapasukan ngayon, parati pa rin kaming may oras para sa isa'-isa.

"May tumatawag ata sa phone mo," pukaw ni James sa atensyon ko saka inginuso ang cellphone kong nagvi-vibrate na nakapatong sa lamesa. 

Speaking. Si Rena ang tumatawag.

"Hi bru! Napatawag ka?" bati ko agad sa kanya.

"May pasok ka mamayang gabi? Kung wala, tara hang-out tayo," sambit nito. She sounded a bit pissed.

"Where?"

"Skinz bar. Saan pa ba?" pabalang na sagot nito. Mukhang badtrip talaga ang gaga.

"Okay. Hindi rin maganda ang araw ko eh, simula pa kahapon."

"What happened?" curious na tanong nito.

"Mamaya na lang natin pagkwentuhan okay? How about Charmelle?" I asked. I heard her sighed.

"Ako na bahala. Hindi naman marunong tumanggi 'yon."

"Okay. Kitakits na lang tayo sa Skinz Bar?"

"Yeah. See you later. Kayo na ang bahala sa akin mamaya. Gusto ko talagang magwalwal tonight. Sige na, bye na."

Then we both hang-up.

Ano kayang nangyari sa babaeng 'yon? Mukhang malaki ata ang problema. Hindi naman no'n ugali magpakalango sa alak kung wala namang matinding dahilan.

Nag-away na naman siguro sila ng tatay niyang may kamay na bakal.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • 3 Faces of Love: Chianna   Chapter 1 - Jobless

    "Chianna! Anong oras na? Late ka na naman!"Napaigtad ako dahil sa malakas na sigaw ng may-ari ng restaurant kung saan ako nagpapart-time job. Minsan talaga nagkakaroon ng conflict ang oras ng pasok ko dito sa schedule ng klase ko. Alam naman niyang working student ako, pero ayaw niya akong bigyan ng consideration minsan. O, baka dahil sadyang mainit talaga ang dugo niya sa akin kaya ayaw niya akong intindihin."Pasensya na po ma'am, marami lang po talaga kaming tinapos na activities sa school. Hindi ako makaalis hanggang hindi po natatapos 'yon," paliwanag ko. "Kung gusto niyo po, i-extend niyo na lang po ang shift ko. Kahit wala na pong bayad ang overtime ma'am.""8 p.m ang start ng shift mo! 30 minutes kang late! Aba! Napaka-swerte mo naman, ako pa ang mag-aadjust?" pagbubunganga pa nito kasabay ng pagduro-duro niya sa akin.Napayuko na lamang ako habang magkasiklop ang dalawa kong kamay sa likuran. Kung wala lang talaga akong respeto sa

  • 3 Faces of Love: Chianna   Intro

    "What will you do, if the person who completes you is the same person who will break you?"***Meet Chianna Jimenez, a hardworking orphan who always believe in the goodness of people.The girl who always follow her heart.The girl who's not afraid to take the risk.The girl who always stand on her ground.And when she fell in love, she gave her heart and all but in return, it will tore her apart.Can she learn how to trust and love again when her wounded heart is filled with doubt and fear? Will she forgive the man who breaks her heart?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status