MAGKASABAY na bumalik sa Maynila sina Brian, Aira, Don Lucio, Alex at Sally. Habang nasa biyahe ay walang tigil ang kuwentuhan ng mag-ama. Tuwang-tuwa naman ang Papa ni Aira kay baby Gab. Siya na halos ang nagkarga sa kanyang apo hanggang sa makarating ng Manila Airport. Sa mansyon na ng mga Terrona sila nananghalian lahat at pinag-usapan din nila ang nalalapit na kasal nina Aira at Brian."Balae, masaya kami at sa wakas nagkatagpo-tagpo na din kayong mag ama." wika ng Mama ni Brian."Kahit na ako balae, walang pagsidlan ng saya sa aking puso ngayong buo na ang aking pamilya. Kahit wala na si Jo ay napalitan naman ito ng isang napaka cute na apo.""Hahaha oo nga balae. Mana sa ating kagwapohan ang ating pinakaunang apo."Nagtawanan ang dalawang magbalaeng lalaki."Heh! Tumahimik nga kayong dalawa diyan! Anong nagmana sa inyo! Hindi no, sa akin siya n
Last Updated : 2020-10-06 Read more