Abala si Kassiopia pagpi-filter ng mga files sa computer nang matanggap niya ang text message ni Madeline. Inatake raw sa puso ang Papa niya. Kaagad umalis ng opisina ang dalaga at nagpunta sa hospital na pinagdalhan kay Matthew. Inabutan niya roon si Carmen na naghihintay sa labas ng emergency room."Nak," sinalubong siya nito."Nay, kumusta si Papa?" Nag-aalalang tanong niya. Ito ba yong sinabi ni Dark sa kanya na dapat niyang bantayan ang kalusugan ng ama? Pero bakit walang sinabi sa kanya ang binata kung alam nito ang karamdaman ni Matthew? Mayamaya pa ay may doctor na lumabas mula sa emergency room. Agad niya itong sinalubong."Doc, how's my father?""Ligtas na siya sa ngayon. But we need to monitor him closely for further observ
Huling Na-update : 2020-11-16 Magbasa pa