Ni hindi ako makapag-function ngayong araw. Tulala lamang ako dito sa kwarto at kanina pa gising, habang inaalala at iniisip ang katangahang sinabi ni Dead kagabi.Crush daw niya ako..Napakagat ako sa labi ko. Kailangan ko na bang magpaputol ng buhok? Sobrang haba na ba to para pag-agawan ng dalawang lalaki? Nakakainis naman!Tinawag na ako ni mama sa baba habang nag-aayos siya ng hapag-kainan. Excited naman akong binati ni Blue saka nagpabuhat sa akin na akala mo'y di ko naalala ang ginawa niyang pag-traidor sa akin kagabi."Ate Ra-ran! Good morning!" Hinalikan ako nito sa pisngi kaya napanguso ako. Kinurot ko na lamang ang matatabang cheeks nito. Nako, kahit na magtampo ako dito, di ko siya matitiis. Cute kaya itong kapatid ko, mana sa akin.Sinundot ko ang tagiliran nito saka siya nakili at natawa, "Hmp, bait mo sa akin ngayon Blue ha?""Kuya Spear said, I should
Last Updated : 2020-08-13 Read more