“HI, Max! Gising na ba ang kuya mo?” masayang tanong ni Cindy, ang current girlfriend ng Kuya Miguel niya. Nakatayo ito sa labas ng gate nila, wearing a pair of shorts and a cotton hanging blouse. She was a Nursing student and her brother had met her just a few days ago. Kailan lang nagkakilala ang mga ito pero girlfriend na agad ito ng kapatid niya. Well, she couldn’t blame her, guwapo ang kuya niya. Idagdag pang maboladas ito, ayon na rin sa mama niya. “Hoy, Kitty, tinatanong ka noong tao. Nariyan daw ba ang kuya mo?” Mabilis siyang napalingon kay Daniel, ang kaibigan ng kuya niya na nakatira sa kabilang bahay. Nagdi-dribble ito ng bola habang nakangisi sa kanya. Pinanlakihan niya ito ng mga mata bago ibinalik ang tingin kay Cindy. “Wala siya rito eh. May…kailangan ka?” Atubili man ay napilitan siyang lumapit sa gate, para na rin niyang naririnig ang sermon ng mga magulang nila tungkol sa ‘good manners and right conduct.&rsquo
Last Updated : 2020-08-29 Read more