Nakakasuya ang trabahong mayroon ako, ngunit ano bang magagawa ko upang maisalba ko ang aking sarili sa mundong ito? Wala akong alam na madaling trabaho at mabilis na kumita ng pera – bukod sa trabahong mayroon ako. Kahit minsan na hindi ko na masikmura ito, tanging pagtitiis na lamang ang aking ginagawa upang malampasan ang hamon ng buhay sa akin. Gustuhin ko man na ayawan ito, ngunit saan naman ako kukuha ng pera upang ipangtustos sa mga pangangailangan ko sa araw-araw. Bukod sa pagiging callboy, wala na akong ibang maisip na puwede kong pagkakitaan ng mabilis bukod rito. Isa pa, nasanay na rin ako sa aking ginagawa. Pakiramdam ko nga, ay parang wala na lamang sa akin ang lahat. Habang tumatagal, mas lalo kong nagugustuhan ang aking ginagawa. Bukod sa pagbibigay ng kakaibang saya at aliw mula sa aking mga kliyente, napapasaya ko rin ang aking sarili sa mga ginagawa nilang pambababoy sa aking katawan, sa aking pagkatao. Sa tuwing gagawin ko ang traba
Last Updated : 2020-09-01 Read more