LOGINSa pagkamatay ng mga magulang ni Arthur Rodriguez, maiisipan niyang pumasok sa isang Bahay-Aliwan na pagma-may-ari ni Boss Adam. Na siyang tutulong sa kaniya upang muling nakabalik sa kolehiya – na siya namang pangarap ng kaniyang mga magulang sa kaniya (Arthur). Bukod sa suportang iyon ni Adam, nasa likod rin ni Arthur ang kaniyang mga kaibigan na sina Ryan, Rusell, Jeff at Mikaela. Na sila namang nasasandalan ni Arthur sa mga pagkakataong lubog ito sa matinding problema. Dahil sa pagiging callboy ni Arthur, makikillala nito si Hanz na ilang beses na niyang nakatalik. Ngunit, ‘di kalaunan ay nahulog ang loob sa kaniya. Sa kasawiang palad, matutuklasan ni Arthur na niloloko lamang siya ni Hanz at ginagamit lamang siya nito upang mapaglabas ng init ng katawan. Sa trabahong iyon (callboy) ni Arthur, marami na siyang napagraanang hirap at sakit ng katawan na balewala na lamang sa kaniya. Kaya naman, hindi ito nagdalawang-isip na hiwalayan si Hanz dahil sa kaniyang nalaman. At sa muling pagpasok ni Arthur sa isang Unibersidad sa tulong ni Boss Adam, makikilala niya rito ang bago niyang kaibigan na sina; Lewis at Melody – na sila naman ang magiging katuwang ni Arthur sa loob ng kampus. Sa paglipas ng mga araw, makikilala naman ni Arthur si Archie Buenaventura at ang nobya nitong si Tyra. Muling mahuhulog ang loob ni Arthur kay Archie, dahil sa mga kasamaang ginagawa nito sa kaniya. Ang sikretong iyon nina Arthur at Archie, ay malalaman ni Tyra. Dahil dun, isisiwalat ni Tyra ang trabahong mayroon si Arthur sa buong kampus. Na siyang magiging dahilan ng matinding sakit at hiya kay Arthur. Ipapahiya rin ito ni Archie na siyang dahilan kung bakit maaaksidente si Arthur – dahilan upang iyon ang maging wakas ng bubay niya (Arthur).
View MoreSa ikalawang pagkakataon, muli ko na namang naranasan ang maagawan ng pagkatao at dignidad. Sa ikalawang pagkakataon, muli ko na namang naramdaman na, ang katawan ko at kung bakit ako nabubuhay – ay para lamang gamiting ng mga tulad nilang mapagsamantala. Halos wala na akong mukhang naihaharap sa aking mga kaibigan. Nakakahiya na nakikita nila akong ganito, kinaawaan nila.Ganito na lamang ba ang papel ko sa mundong ito? Ang magpagamit sa mga taong nangangailangan at uhaw sa tawag ng kanilang mga laman. Kung alam ko lamang na magiging ganito ang takbo ng aking buhay, sana lamang, ay nawala na rin ako. Sana, ako na lamang ang namatay at hindi na ang aking mga magulang.Sa tuwing kailangan ko ng masasandalan, makakausap at malalabasan ng mga problema ko. Wala akong ibang masabihan. Wala akong ibang mapaglabasan, kundi ang kimkimin at sarilihin ang lahat ng ito. Wala rin akong magulang na pupuwedeng mapagsabihan ng mga nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito. Napupuno ang puso ko ng inis at galit, dahil sa natatamong paghihirap ng aking kaibigan. Kahit kailan, hindi naging maganda o maayos ang pakikitungo ni Adam kay Arthur. Hindi ko alam kung ano ba ang rason ni Adam upang pahirapan niya ng ganito ang kaibigan ko.Masyado pang bata si Arthur para maranasan ang hagupit ng mundo – masyado pa siyang bata para maranasan ang hirap na dapat ay ginugugol niya ang kaniyang sarili sa pag-aaral. Ngunit, ito rin ang nagtulak sa kaniya upang pasukin ang buhay ng pagiging isang callboy, para lamang sa kaniyang pag-aaral. Kami na lamang ang mga kaibigan niya ang maaaring tumulong sa kaniya.Wala rin naman siyang matatakbuhan na pamilya. Naaalala ko nu’ng araw na ikinuwento niya sa akin ang naganap sa kaniyang mga magulang. Namatay raw ang mga iyon dahil sa isang aksidente na nagpabago sa takbo ng kaniyang buhay. Dahil dun, itinuring na naming
ba itong nagawa ko sa sarili ko? Pakiramdam ko, ang rumi-rumi ko nang tao. Ang rumi na ng pagkatao at kaluluwa ko. Ako pa ba ito? Ako pa ba ang dating Arthur? ‘Yong dating hangad lamang ay kumita, kahit na maliit. Ako pa ba iyon? Hindi ko na nakikilala pa ang aking sarili.Pakiramdam ko, ay wala na akong karapatan sa sarili kong katawan. Ni hindi ko na magawang tumanggi sa mga taong patuloy na gumagamit sa akin. Sa mga taong laging sinasamantala ang kahinaan at kahirapan ko. Ngunit, kung gagawin ko naman ang tumanggi, paano ako mabubuhay? Paano na ang pangarap ko na muling makapag-aral sa kolehiyo?Napukaw na lamang ang aking pag-iisip ng bigla kong narinig na nagsalita si Ryan sa aking tabi. Napalingon naman ako sa kaniyang gawi, kasama niya pala si Rusell. “Arthur, wala ka pala kahapon? Ayos ka lamang ba?” Tanong nito sa akin.Maingat kong inilapag ang mga kurtina na aking hawak – na siyang dapat ilalagay ko sa m
Habang abala ang mga kasamahan kong nagkukuwentuhan tungkol sa aming trabaho. Hindi ko naman maiwasan ang mapatingin sa mga lalaking kasalukuyan nagsasayawan sa ibabaw ng emtablado – na sila namang tinitilian ng mga kababaihan at mga kabaklaang narito sa Bahay-Aliwan. Sa aking pagtingin sa kanila, masasabi kong may mga itsura ang mga lalaking iyon, may mga magagandang hubog ng katawan.Napukaw na lamang ang aking pagtingin sa kanila, nang bigla kong naramdaman ang pagtapik sa akin ni Ryan sa balikat ko, “Arthur, ayos ka lamang ba?” Tanong nito sa akin. Isang tango naman ang aking isinagot sa kaniya. Inilibot ko ang aking tingin sa mga kasamahan kong abala pa rin sa kanilang pagkukuwentuhan.Ilang malalakas na halakhak ang aking narinig mula sa mga kasamahan ko, nang tignan ko ang mga ito. Ang kanilang mga tingin ay nakasentro sa mga kalalakihang nagsasayawan sa emtablado. “Ano kaya kapag may naging kliyente tayo isa sa kanila? Pakira





