(Ayesha)ISANG MALAWAK na compound ang tinitirhan ng mga Malyari. Nababalutan ng mga halamang baging at malulusog na moss ang matataas at makakapal na pader na nakapalibot doon. Hindi ‘yon mukhang sinadya para maging disenyo. Mas mukhang napabayaan kaya tinubuan na ng mga halaman. Halatang luma at kupas na rin ang kulay ng tisang bubong ng mga bahay. Iyon lang ang nakikita ko mula sa tapat ng higante at kupas na rin ang kulay na gate kung saan kami nakatayo.
Last Updated : 2020-11-11 Read more