"IYAN na nga ba ang sinasabi ko!" nakapameywang na wika ni Jane nang marinig ang kuwento ni Europa."Ako din," sang-ayon naman ni Tat. Kasalukuyan silang nasa bahay ni Jane at ikinukuwento ni Europa ang mga naganap sa pagitan nito at ni Austin."Tumigil na nga kayo. Tapos na. Nangyari na. Nagoyo na 'ko ng walanghiyang lalaking iyon!""Nagoyo ba 'yung lagay na iyon? Don't you think he's so sweet para gawin ang mga bagay na iyon? Ewan ko sa'yo Continent ha, pero para sa akin, ang sweet ng ginawa ni Sir!""Sweet? Paano mo ipaliliwanag ang pagsali sa eksena ng Shann mo? Kung ang impaktong iyon pala ang totoong si Shaider, bakit dumating ang Shann na 'yan sa tagpuan namin claiming the Shadier identity? What a conspiracy!""Ayun! E 'di lumitaw din ang totoo! Na nagagalit ka dahil sa halip na aminin niyang siya nga si Shaider ay kinuntsaba pa niya si Sir Dorantes sa mga plano niya?!""That's the big question, Tat," ani Jane. "Kung
Last Updated : 2020-09-18 Read more